Coco, Lovi parehong nadala sa kissing scene: ‘Nu’ng naramdaman na namin ‘yung music habang sumasayaw kami, nagdire-diretso na!’

Coco, Lovi parehong nadala sa kissing scene: 'Nu'ng naramdaman na namin 'yung music habang sumasayaw kami, nagdire-diretso na!'

Lovi Poe at Coco Martin

DIRETSAHANG inamin ng Kapamilya actress na si Lovi Poe na super kilig ang naramdaman niya nang kunan ang kanyang debut scene sa hit ABS-CBN series na “FPJ’s Batang Quiapo”.

Isa ang nasabing episode ng serye sa talagang nag-viral kamakailan, partikular na ang kissing scene ng mga karakter nina Coco at Lovi bilang sina Tanggol at Mokang.

Sa naganap na mediacon ng “Batang Quiapo” nitong nagdaang Huwebes, April 4, natanong ang dalaga kung dahil ba sa halikan nila ni Coco kaya siya kinilig nang bonggang-bongga.

Natatawang sagot ni Lovi, “Inaasar nga ako ni Tatay (Pen Medina) na ‘Ang landi-landi mo!'” Sinundan ito ng malakas ng tawanan ng lahat ng nasa presscon kabilang na si Coco.


“Mahirap naman kasing hindi kiligin, eh. Sabi ko nga, nagdidirek pa lang siya…mahirap kasi talagang hindi kiligin!” sabi pa ni Lovi na tawa pa rin nang tawa sabay hampas sa hita ni Coco.

“Hindi maiiwasan, eh, kasi kapag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdidirek at the same time, habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yun, siya pa rin ang nagdidirek habang nagki-kissing scene kami, makikita mo after nu’n, siya pa ‘yung magka-cut, siya pa ‘yung magsasabi kung saan (ang anggulo), so mahirap na hindi kiligin talaga,” paliwanag pa ng aktres.

Chika naman ni Coco tungkol sa viral their kissing scene nila ni Lovi, “Sinadya ko lang ‘yun! Ha-hahaha! Naisip ko ‘yun ora mismo. Sabi ko, maganda ‘to, after ng pagkauwi niya, napanaginipan niya pa.

“Kumbaga, may follow-up. Kasi wala namang nangyari nu’ng debut, kinilig lang siya na na-appreciate niyang may pumalit du’n sa escort niya, eh.

“Sa totoo lang, dapat ‘yung eksena namin, nag-kiss lang kami ng isang smack. Eh, nu’ng naramdaman na namin ‘yung music habang sumasayaw kami, nagdire-diretso na!” pag-amin pa ni Coco

Baka Bet Mo: Wish ni Lovi tinupad ng ABS-CBN, makakatambal na si Coco: Hindi pa rin ako makapaniwala na ginagawa ko na ang ‘Batang Quiapo’

“Nu’ng naramdaman kong nararamdaman ni Lovi ‘yung eksena, ipinaramdam ko na rin sa kanya ‘yung eksena. Eh, naramdaman, kaya dinire-diretso na namin,” sey pa ng aktor.

Samantala, inanunsyo rin ng Primetime King na magbabagong-buhay na ang karakter niyang si Tanggol sa “FPJ’s Batang Quiapo” bilang isang mabait at responsableng tao sa pagsisimula ng bagong yugto ng serye ngayong May 8 (Lunes).

Ayon kay Coco, ibang klaseng Tanggol ang mapapanood ng viewers dahil itutuwid na niya ang kanyang buhay bilang isang anak, apo, at kaibigan kaya mas lalong kaabang-abang ang tatakbuhing kwento ng serye.


“Magsisimula na ang bagong yugto ng buhay ni Tanggol. Sa lahat ng kanyang mga natutunan sa kalye, sa Quiapo, at sa buhay, na-realize na niya na siguro panahon na para magkaroon din ng pagbabago sa kanyang buhay. Tingnan natin kung ano ang magiging bagong journey ni Tanggol,” kuwento ng aktor.

Bukod dito, ipinangako ni Coco na umaatikabong aksyon at sunod-sunod na rebelasyon ang sasalubong sa mga manonood dahil magtatagpo-tagpo na ang lahat ng mga karakter at maglalaban-laban na ang iba’t ibang grupo sa serye.

Taos-puso ring nagpasalamat si Coco sa mga manonood na tutok na tutok sa “FPJ’s Batang Quiapo” mula sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Samantala, nagsimulang mag-ikot sa iba’t ibang sulok sa Pilipinas ang ilang cast members ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa kanilang ‘Katok Buhay’ kung saan masayang ibinabahagi ng mga manonood ang kani-kanilang paboritong karakter at eksena sa palabas.

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa “FPJ’s Batang Quiapo,” na hango sa orihinal na kwento ng Regal Films, gabi-gabi ng 8 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Paolo Gumabao todo puri sa kabaitan ni Jane de Leon: She deserves to be Darna, nakita ko ‘yun, naramdaman ko ‘yun!

Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget

Read more...