Claudine Barretto maayos ang relasyon sa mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen, proud na proud kay Julia

Claudine Barretto maayos ang relasyon sa mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen, proud na proud kay Julia

HINDI maiiwasan na matanong ang beteranang aktres na si Claudine Barretto kung kumusta na ang relasyon niya sa mga kapatid na sina Marjorie at Gretchen Barretto.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Biyernes, May 5, hindi naiwasang maitanong ang lagay nilang magkakapatid.

Pagkukuwento ni Claudine sa lagay nila ng kanyang Ate Gretchen, “She never left my side. We don’t get to spend time all the time, but the words of wisdom, her being there, kahit thru phone lang, ang dami kong natutunan… Dada (Tonyboy Cojuangco), Atong [Ang].”

Samantala, inamin naman ng aktres na sa ngayon ay hindi sila nakakapag-usap ni Marjorie.

Lahad ni Claudine, “As for Marjorie, we don’t really get to talk talaga, but all is well. We see each other, lunches, dinners, merienda with family.

“We have a big family. We did small talk. That’s good. That’s good enough.”

Baka Bet Mo: Claudine Barretto binisita ang puntod ni Rico Yan, netizens napataas ang kilay

Nabanggit rin sa naturang interview ang pamangkin nitong si Julia Barretto at kinumusta ang kanilang relasyon.

“We’re good. She’s very busy, I’m very busy. I think the last time I saw her was around March before her birthday,” sey ni Claudine.

Dagdag pa niya, “Kapag may family events kami, may birthday sa bahay ng Kuya Mito ko, we see each other. We saw each other when we watched ZsaZsa Zaturnnah. Julia was there also.”

Ani Claudine, proud na proud siya sa kung anong narating ng kanyang pamangkin sa pg-aartista.

“I am very very proud. I’ve seen Expensive Candy… I’m very proud not only of Julia but all my nieces. They grew up with me.

“Sila yung bitbit-bitbit ko kahit saan and I’m proud of whatever she’s achieving now. I would just want her to have more breaks para ma-showcase yung acting niya,” chika pa ni Claudine.

Related Chika:
Claudine 2 beses iniligtas ni Ate Vi: ‘Because of you, my children still have a mom’

Claudine Barretto ‘greatest love’ si Rico Yan, wish matuloy ang project kasama si Gladys Reyes

Read more...