TILA naging emosyonal si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach tungkol sa kauna-unahan niyang condominium.
Kasabay kasi ng balitang ibebenta na niya ito, inihayag niya sa isang Instagram post kung gaano naging memorable ang pagtira niya rito.
Nakwento pa nga niya na ito ang una niyang solo home sa loob ng tatlong taon.
“As much as I’ve shot a lot of content here, this condo was my very first solo home and it really meant a lot to me,” sa kanyang caption.
Sey pa niya, “For 3 years, it has given me a space to be myself, to express myself, to get to know myself better, to rest and destress.”
“I could only wish I used the kitchen more to cook and have more loved ones over, dagdag niya.
Ngunit tulad din daw ng mga pangyayari sa buhay, kailangan na raw niyang mag-move on para harapin ang kanyang bagong journey sa buhay.
“But like all things in life, we grow, we transition, we seize the moment. We may even say “thank you, next…” on to the next chapter,” sambit ng beauty queen.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach nagpakabaliw dahil sa lalaki, kinalimutan ang pamilya at career
Wish niya sa magiging bagong owner ng kanyang condo na magkaroon ng masasayang alaala katulad ng nangyari sa kanya.
“I hope this home becomes your brand new start,” saad niya sa IG post.
Ani pa niya, “May it make you feel safe always and give you great memories like it did to me.”
Magugunitang ginulat ni Pia ang madlang pipol matapos ang pasabog na ikinasal na siya sa British businessman na si Jeremy Jauncey nitong Marso.
Base sa kanyang late post, nangyari ang kanilang intimate wedding sa isang beach sa North Island sa Seychelles.
Taong 2020 nang kinumpirma ng beauty queen ang kanyang relasyon kay Jeremy.
Makalipas ang halos dalawang taon, inihayag naman ni Pia ang kanilang engagement noong May 2022.
Related Chika:
Scammer na mala-’Anna Delvey’ ng Pinas arestado sa Taguig