Cristy Fermin sa hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz: Hindi ako makapaniwala

Cristy Fermin sa hindi pakikiramay ni Liza Soberano kay Ogie Diaz: Hindi ako makapaniwala

TILA hindi matanggap ng kolumnistang si Cristy Fermin ang hindi pakikiramay ni Liza Soberano sa dati niyang talent manager na si Ogie Diaz.

Kamakailan kasi ay pumanaw ang ina ng talent manager ngunit hindi man lang daw nagparamdam ang dalaga upang ipaabot ang pakikiramay niya rito.

Sa kanilang show na “Showbiz Now Na” ay muli nilang napag-usapan nina Romel Chika at Wendell Alvarez ang dalaga.

Saad ni Cristy, limang araw ang naging burol ng ina ni Ogie ngunit hanggang nang mailibing ito noong nakaraang Biyernes ay wala man lang itong pa-condolence ang dalaga.

Hindi raw niya matanggap na ganito ang ginawa ng aktres lalo na’t mahigit isang dekadang magkasama ang dalawa.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin gulong-gulo na kay Liza Soberano: Ano ba talaga ang gusto ng batang ito?

“Hindi ko alam kung bakit ni maiksi na condolences, isang salita ay hindi nakapagpadala itong si Liza Soberano kay Tito Ogie niya,” saad ni Cristy.

Pagpapatuloy niya, “Alam naman niya na isang dekada mahigit ang kanilang pinagsamahan. Alam naman niya na nabago ang estado ng kanyang buhay dahil sa tulong sa kanya ni Ogie Diaz.”

Chika ni Cristy, para sa kanyang opinyon, kawalan talaga ng utang na loob ang ginawa ng aktres.

“Itong ginawa ni Liza Soberano, para sa akin, opinyon ko lamang po ito mga ka-chika. Hindi ko po kayo inaamuki na sumang-ayon sa akin. Hindi ko po kayo sinasabihan at pinapakiusapan na kampihan n’yo po ako.

“Para po sa akin ang ginawa ni Liza Soberano kay Ogie Diaz nung mamayapa ang kanyang ina ay kawalan ng utang na loob. Ito po ay para sa akin. Kawalan ng utang na loob sa mga tao o sa isang tao na tumulong at nagpabago ng kanyang buhay habang sila ay magkasama… Hindi ko matatanggap ‘yun Romel, hindi ko matatanggap talaga,” sey ni Cristy.

Related Chika:
Cristy Fermin tinalakan si Vice Ganda: Alam mo naman… pabida talaga

Cristy Fermin hindi pa maibalik ang condo unit na bigay ni Willie, wala raw dokumento: Naggsumbat-sumbat siya

Read more...