BTS Jungkook may pakiusap sa fans: ‘Stop sending delivery food at home!’

BTS Jungkook may pakiusap sa fans: ‘Stop sending delivery food at home!’

PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial

PERSONAL nang nakiusap ang South Korean Supergroup BTS member na si Jungkook sa mga fans.

Ayon kay Jungkook, respetuhin sana ang kanyang privacy at tigilan na ang pagpapadala ng pagkain.

Kwento ng K-Pop star, madalas siyang makatanggap ng food deliveries sa kanyang bahay na mula sa mga hindi kilalang senders.

“Don’t send home delivery food. I won’t eat it even if you give it to me,” sey ni Jungkook na ibinandera sa fan community platform na Weverse noong May 4.

Dagdag pa niya, “I’m thankful, but I eat well. You can buy it yourself, I beg you.”

Babala pa niya, gagawa na siya ng aksyon sakaling makatanggap pa ulit siya ng delivery food.

“If you send it one more time, I will check the receipt order number you sent and [will] take action. So, stop it,” sambit ng Korean star.

Baka Bet Mo: Hirit ni Zack Tabudlo nang pakinggan ni BTS Jungkook ang kanyang kanta: ‘I can now die in peace’

Napa-comment naman ang maraming fans sa pakiusap ni Jungkook at nabahala bigla sa seguridad nito.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Hoping that people don’t get him wrong but to understand.”

“Respect is the key! He’s not asking for food from other people. It’s a matter of safety and security then.”

“It is scary to think that some people know exactly where he lives and are acting upon that knowledge. BTS are humans like the rest of us, respect their privacy!”

Hindi ito ang unang beses na nanawagan si Jungkook sa fans.

Dahil noong nakaraang Marso lamang ay nagsulputan ang mga ito habang siya ay nagwo-work out sa isang gym sa South Korea.

“I finished working out and I had to go home. I was going to go home, but there were people there,” kwento ni Jungkook.

Sey pa niya, “I’m really thankful for all of your interest, but this was not an official schedule. Just so you know, I’m human too.”

Taong 2013 nang mag-debut bilang main vocalist, lead dancer, at center ng BTS si Jungkook.

Ilan lamang sa mga solo tracks na kanyang inilabas ay ang “Euphoria,” “My Time,” “Decalcomania,” at marami pang iba.

Related Chika:

Angelica tinamaan ng COVID-19: ‘Nauubusan na ‘ko ng positive thoughts…please send help’

Read more...