MUKHANG lalo nakakabahala ang pagtaas ng COVID-19 positivity rate o bilang ng mga nahahawaan ng virus sa ating bansa.
Mula kasi sa naitala noong April 25 sa Metro Manila na 12.7% ay lalo pa itong tumaas sa 19.7% ngayong May 2.
Ayon din sa independent pandemic monitor na OCTA Research, bahagyang tumaas din ang positivity rate sa buong bansa na mula sa 15.2% ay naging 17.1% na ito ngayon.
Babala ni OCTA fellow Guido David, posible pang tumaas sa mga susunod na araw ang bilang ng mga nagkakahawaan ng virus.
“This could go as high as 25 percent. I hope not,” sey ni David.
Dagdag pa niya, “There is a chance it could reach 25 percent within 1 week or so.”
Para sa kaalaman ng marami, ang itinakdang positive rate benchmark ng World Health Organization (WHO) ay below 5%.
Baka Bet Mo: Unang kaso ng ‘Arcturus’ naitala sa Western Visayas, pasyente gumaling na –DOH
Ibig sabihin niyan, lumagpas na tayo nang sobra sa nabanggit na benchmark ng WHO.
Bagamat dumadami ang kaso ng COVID-19, dumami pa rin ang mga bakanteng hospital beds.
Sa latest report ng OCTA, nasa 24.7% ang hospital bed occupancy rate sa Metro Manila noong May 2.
Mas mataas ‘yan kumpara sa 22.5% na naitala noong April 25.
NCR 7-day testing positivity rate increased to 19.7% as of May 2 2023, from 12.7% on Apr 25. This could go as high as 25%. I hope not. NCR Hospital Occupancy increased to 24.7% on May 2, from 22.5% on Apr 25. #COVID19 #Covid #Arcturus @dzbb @DZAR1026 @dzrhnews @ali_sotto pic.twitter.com/ulHIKsykiC
— Dr. Guido David (@iamguidodavid) May 3, 2023
As of May 2, aabot na sa 7,562 ang active cases o patuloy na nagpapagaling sa nasabing virus.
Read more: