Kim Chiu sa birthday ng BFF na si Bela Padilla: ‘I’m thankful na may unli laughter sa friendship na ‘to!’

Kim Chiu sa birthday ng BFF na si Bela Padilla: ‘I’m thankful na may unli laughter sa friendship na ‘to!’

PHOTO: Facebook/Kim Chiu

RAMDAM na ramdam ang kasiyahan ng TV host-actress na si Kim Chiu sa kanyang latest social media post.

Nagpaabot siya ng mahabang mensahe bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang bestfriend na aktres na si Bela Padilla.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinandera ni Kim ang ilang happy moments nilang dalawa.

Pagbati niya sa post, “Happy happy birthday to my sister from another father! My taurean twin, momsy bely! [emojis].”

Lubos ang pasasalamat niya dahil naging mabuting kaibigan si Bela para sa kanya.

“Thank you for being a great friend, amazing person, and thank you for the random hangout and chikahan that end up being the best moment ever!!!!!,” caption niya.

Dagdag pa niya, “I’m thankful dahil nakapag-avail ako ng sa unli-laughter sa friendship na ‘to, always love our random hang out, I love it when you drive and ako pasahero, endless kwentuhan and etc [red heart emoji].”

Baka Bet Mo: Kim Chiu tinukso ng fans kay ‘Boys Over Flowers’ star Kim Hyun-joong: ‘May kilig! Bigyan na ng project yarn!’

“I love you, momsy! Stay kind, sweet, humble, and loving person that you are. You have such a pure heart I’m lucky to witness and experience that,” patuloy na mensahe niya.

Inihayag din ng TV host ang kanyang pagkahanga sa aktres na tila nagiging all-around pagdating sa paggawa ng pelikula.

“Also proud of you being a director, writer and actress at the same time! [clapping hands emoji] handsdown to the queen!!! [crown emoji] Have a blast today.[red heart emoji] Happy Birthday Purest girl momsy @bela [cake emoji],” lahad ni Kim.

Sa hiwalay na Instagram post naman ay nagpasalamat si Bela sa lahat ng mga bumati sa kanyang kaarawan.

“Gonna have my cake and eat it too [emojis] thank you guys for all the sweet messages! I’ll be enjoying today like you’re all here with me!,” sa kanyang caption.

Ilan pa sa mga bumati sa kanya na kapwa-celebrities ay sina Sarah Lahbati, Kean Cipriano, Cherry Pie Picache, Franki Russell, Chynna Ortaleza, Ryan Bang, at marami pang iba.

Makikita rin sa latest Instagram Stories ni Bela na tila nagdiriwang siya ng kanyang birthday sa ibang bansa.

Related Chika:

Sharon: Gusto kong maging part ng family nina Regine at Ogie!

Read more...