Paolo atat na atat nang magkaroon ng ‘Tabing Ilog’ reunion; Kaye, Patrick kabado sa pagbabalik-showbiz

Paolo atat na atat nang magkaroon ng 'Tabing Ilog' reunion; Kaye, Patrick kabado sa pagbabalik-showbiz

Patrick Garcia, Kaye Abad at Paolo Contis

NGAYON pa lang ay abangers na ang mga fans ng “Tabing Ilog” stars na sina Kaye Abad, Paolo Contis at Patrick Garcia sa kanilang reunion movie na ipo-produce ng Mavx Productions.

Ibinandera ng naturang film company ang good news sa pamamagitan ng isang video na in-upload sa Mavx Productions official Facebook page noong April 29.

Ayon sa tatlong celebrities, matagal na nilang pinag-uusapan ang pagkakaroon ng “Tabing Ilog” cast reunion pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naisasakatuparan.


“Matagal na naming napag-uusapan, ‘sana magkaroon na ng Tabing Ilog reunion,’” ang pahayag ni Paolo na mapapanood sa nasabing video.

Dagdag pa ng Kapuso actor, dream come true para sa kanya ang makatrabaho uli sina Kaye at Patrick at lalo na kung matuloy ang reunion ng lahat ng cast members ng Kapamilya youth-oriented series na “Tabig Ilog” na talaga namang sinubaybayan ng mga manonood noon.

“Dream come true to na makatrabaho ko sila ulit kasi yung mga katrabaho ko ngayon, masasabi ko na iba na yung work ethics. Iba lang talagang makatrabaho itong mga ‘to,” sey pa Paolo.

Baka Bet Mo: Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

Ang iba pang bumida sa nasabing iconic weekly series ng ABS-CBN ay sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Jodi Sta. Maria, Desiree del Valle at Paula Peralejo.

Tuwang-tuwa at super na-excite naman si Kaye nang i-offer sa kanya ang pelikula, “Nu’ng pinitch sa akin yung istorya na-excite ako kasi ito yung isa sa mga pelikula na matagal ko nang gustong gawin.

“Since nag-pandemic, doon nag-start yung mga movies na hindi mainstream, yung hindi sinunod yung gusto ng tao.

“Hindi nila kinunan na super drama pero masakit sa puso yung eksena. Kasi sa mga soap opera, away, drama talaga yung eksena.


“Nu’ng nabasa ko yung script isa to sa mga ganoong pelikula, excited ako. Kumbaga, masakit yung eksena pero di ko kailangang umiyak,” pahayag pa ni Kaye.

Inamin din ng aktres na medyo kinakabahan siya sa pagbabalik-pelikula dahil apat na taon din siyang namahinga sa paggawa ng serye at pelikula.

“Four years ago pa, ngayon na lang ako ulit magdadrama so medyo kinakabahan. So sinabi ko sa kanila kung pwedeng unahin yung mga light scenes lang muna,” sey ni Kaye.

Limang taon namang napahinga si Patrick sa larangan ng aktingan at agad daw siyang nag-yes nang malamang sina Paolo at Kaye ang makakasama niya.

“When this was offered, nu’ng sinabi sa akin na it’s Paolo and Kaye, sabi ko ‘make sure it’s Paolo and Kaye’ kasi kung hindi, hindi ko gagawin,” sabi ni Kaye.

Sabi pa nina Kaye, Paolo at Patrick, kahit matagal na panahon silang hindi nagkita-kita at nagkasama-sama ay hindi nagbago ang kanilang samahan bilang magkakaibigan.

Dimples proud na proud sa 4 na ‘baby’; Nikki napa-throwback sa ‘Tabing Ilog’

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Read more...