Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung... | Bandera

Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

Ervin Santiago |April 05,2022
facebook
share this

Kaye Abad gusto munang karirin ang pagiging nanay, babalik lang sa showbiz kung…

Ervin Santiago - April 05, 2022 - 05:13 PM

Kaye Abad, Paul Jake Castillo, Joaquin at Inigo

WALA pang balak bumalik sa pag-aartista ang Kapamilya actress na si Kaye Abad.

Aminado ang dating “Tabing Ilog” lead star na nami-miss na niya ang pag-arte sa harap ng mga camera pero feeling niya hindi pa ito ang tamang panahon para balikan niya ang mundo ng showbiz.

Ayon sa celebrity mom, mas gusto muna niyang mag-focus sa pag-aalaga sa kanyang pamilya lalo na sa dalawa niyang mga anak.

Siniguro naman ni Kaye sa kanyang mga tagasuporta na darating din ang araw na muli siyang gagawa ng teleserye at pelikula.

Sa YouTube vlog ng Kapamilya young actress na si Francine Diaz, mapapanood ang interview niya kay Kaye at dito nga nagkuwento ang dating ka-loveteam ni John Lloyd Cruz tungkol sa mga kaganapan sa personal niyang buhay.

“I never left (showbiz), siguro nagpahinga lang because priority ko is mag-baby muna because I’m not getting any younger.

“So palakihin ko muna ‘yung mga bata then I will, for sure go back because nami-miss ko na rin talaga ‘yung acting,” ani Kaye.

Pero paglilinaw niya, “But if this time, around this time, maybe not yet because bata pa ‘yung youngest ko. He’s turning seven months pa lang, very baby pa.

“Maybe when he’s around one but I’m not sure if I can do like a teleserye, a full-time teleserye because that means I would have to stay in Manila for three to six months, so siguro maybe like guesting,” dagdag pa niyang pahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaye Abad-Castillo (@kaye_abad)


Sa tanong kung anu-ano pang role ang gusto niyang gawin in the futire, “Lagi ko ‘tong sinasabi na gusto kong maging role, ‘yung maging pipi.

“That’s very challenging because kailangan mong ma-express ang gusto niyang sabihin without saying the lines, mata lang, facial expressions, ‘yun lang,” anang aktres.

Nagbigay din ng ilang acting tips si Kaye, lalo na sa mga gumaganap na kontrabida, “Noong naging kontrabida ako, medyo kinabahan talaga ako because they told me I really have to reinvent myself.

“Una because I have very maamo na mukha. I have very droopy eyes. So sabi ko paano ko gagawin na mukha akong nakakatakot? So inuna nila sa buhok, kinulot nila, then matapang na makeup but sabi ko paano ako sa serye?

“Kasi hindi naman ako pwede makapal na makeup because hindi naman ako mayaman sa serye so kailangan ko talaga i-aral the way I talk, the way I move,” aniya pa.

Patuloy pa ni Kaye, “Maraming artista ngayon na nahihiya o natatakot pumangit on screen but huwag ka ma-conscious kasi that will hold ng pagiging natural mo na actress.”

Sa Cebu na nanirahan si Kaye kasama ang asawang si Paul Jake Castillo (dating Pinoy Big Brother housemate) matapos silang ikasal noong December, 2016. May dalawa na rin silang anak ngayon, sina Joaquin at Iñigo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano nga ba ang nagustuhan niya sa Cebu, “Very laid back, very simple ang lifestyle. Ang mga tao very simple kasi in Manila, I live in Cavite, sa Imus, so sanay ako sa buhay probinsya, sa simpleng buhay. Hindi ako magimik na tao because I don’t drink.”

Kaye umaming nagkagusto noon kay Paolo; gustung-gusto nang bumalik sa showbiz, pero…

Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista

Andi gusto pa ring bumalik sa showbiz, pero…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending