Hugot ni Chito: ‘Minsan nabe-burnout din ako sa pagbabanda, maraming beses nang dumaan sa utak ko na mag-quit’

Hugot ni Chito Miranda: 'Minsan nabe-burnout din ako sa pagbabanda, maraming beses nang dumaan sa utak ko na mag-quit'

Parokya ni Edgar

ILANG beses na palang naisipan ng OPM icon na si Chito Miranda na tumigil ba sa pagbabanda, lalo na kapag sagaran at patayan na ang kanyang schedule.

Ayon sa bokalista ng Parokya ni Edgar, may mga pagkakataon na nakakaramdam din siya ng matinding pagod at stress pagdating sa kanyang propesyon bilang musikero.

Ngunit, sa tuwing sumasagi sa isip niya ang mag-quit na sa pagtugtog ay parang hindi pa rin niya ito magawa at mapanindigan dahil nag-eenjoy pa rin siya sa kanyang mga ginagawa.

Kalakip ang isang litrato na ipinost niya sa Instagram na kuha habang nagpe-perform siya sa isang concert ng Parokya ni Edgar, ay ibinahagi ni Chito ang ilang dahilan kung bakit hindi pa rin niya maiwan ang pagbabanda.


“Aminado naman ako na minsan, nabu-burnout din talaga ako pagdating sa pagbabanda.

“Madaming beses nang dumaan sa utak ko na mag-quit…hindi dahil sa ayoko na mag-banda, but because I’d rather stay home at mag-relax nalang kasama ng pamilya ko (the best feeling in the world)

“And I’m sure na madaming beses pa ulit dadaan sa utak ko yun (lalo na tuwing sagad ang sked masyado),” ang sabi ng mister ni Neri Miranda.

“Pero sa totoo, I don’t think I’ll ever outgrow these moments…yung solid connection with the crowd during our gigs, the exchange of energies, and the thrill of hearing and seeing everyone singing and jumping to your songs as you perform them live,” dagdag pang pahayag ng singer-songwriter.

Chika pa ni Chito, “Kaya tuwing napapa-isip ako na gusto ko huminto sa pagbabanda, ang ending palagi is “next time na lang…nage-enjoy pa ko masyado eh.”

Baka Bet Mo: Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Marami namang fans at social media followers si Chito at ng Parokya ni Edgar ang napa-comment sa kanyang IG post. Narito ang ilan sa mga nabasa namin.


“I love you chitoooo grabe ang saya ko nakita kita in person mag performed live. My inner child is so happy.”

“Please wag muna huhu.. kaya Pa namn d ba? Nagpaparinig na ata si Lodi eh.. super gusto pa nmin magstay kayo at tumugtog. pleeaaaassee.”

“Favorite Band of All Time. But sana makita ko man lang ang PNE near Pangasinan bago pa umabot sa Quit Band. God bless you always Sir Chito and the Band.”

“A passionate music band performer Sir Chito. Since bata palang ako batang 90’s here OPM bands like PNE pinapatugtog ko sa cassete tape namin. Until now PNE will always in my playlist of OPMBands. Rest will be a history sa PH Music. Salute Sir! Thank you for being in PNE and a singer/songwriter.”

“You’ve given your due to the fans na, you can stop pag gusto mo na magpahinga hehe.”

“OMG dont quit po. I still remember your performance back then 2010 in Ozamiz City grabeh ang saya. Prang di ka tumanda po hahaha lumaki lang tyan hahahaha THE BEST BAND EVER.”

“Masaya ako na i have listened to, memorized and sung your songs! SOLID yan. naalala ko ung may show kayo sa Starmall Alabang (Octoberfest), ung manager ko na sobrang lodi kayo, tumakas sa shift para maki-jam. hahaha. pde nmang magpahinga. deserve nio yan. but ano man ang mqging desisyon nio, kaming mga fans ay susuporta sa inyo. WE LOVE PNE!!!!!”

“Wag muna, Di pa nga kita nakikita ng personal, gang youtube at videoke pa nga lang ako, wala pa ko pambili ng concert tickets mo…di afford hehe, wish ko lang.”

Gab Valenciano naglabas ng inis sa socmed, para nga ba kay Willie Revillame?

Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

Read more...