Gab Valenciano naglabas ng inis sa socmed, para nga ba kay Willie Revillame? | Bandera

Gab Valenciano naglabas ng inis sa socmed, para nga ba kay Willie Revillame?

Reggee Bonoan |February 07,2023
facebook
share this

Gab Valenciano naglabas ng inis sa socmed, para nga ba kay Willie Revillame?

Reggee Bonoan - February 07, 2023 - 07:57 AM

Gab Valenciano naglabas ng inis sa socmed, para nga ba kay Willie Revillame?

Gab Valenciano at Willie Revillame

VIRAL sa social media ang post ni Gab Valenciano sa kanyang Twitter account nu’ng Pebrero 5 na umabot sa almost 900,000 views, 20,000 likes, 2,617 retweets at 124 comments.

Ang tweet ng dancer-singer, “I haven’t been as vocal for awhile but I can no longer suppress my thoughts. I will just say this.

“Your power to persuade people through gas lighting your whole life has run out. What goes around will always come back around. Filipinos are waking up, you should too.”

Binasa namin ang mga komento ng netizens at iisa ang kanilang sinasabi, parinig umano ito ni Gab sa pahayag ni Willie Revillame noong Pebrero 4 sa programa niyang “Wowowin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gabriel Pangilinan Valenciano (@gabvalenciano)


Nag-ugat kasi ito sa balitang ihihinto muna ang mga programa ng ALLTV dahil lugi raw, walang pumapasok na sponsors o ads at mahina ang signal.

Pumalag ang “Wowowin” host dito bilang siya ang creative consultant ng ALLTV na pag-aari ng Advanced Media Broadcating System.

Aniya, “E, parang natutuwa pa kayo na mawawala mga programa na nagbibigay ng saya at tulong. Sana hindi ganu’n di ba? Dapat nga ipinagdadasal ninyo kami na tuluy-tuloy ang programa.”

“Ang dami ninyong sinasabi na ‘ang yabang-yabang n’yo kasi.’

“Ano ang ipinagyabang namin?  Hindi namin ipinagyayabang ang programang ito, it’s not about me, it’s about the program Wowowin.  Kaya koi to lahat kinukuwento (mga naitulong sa mga biktima ng kalamidad ay dahil may mga lumalabas ngayon na mga programa sa ALLTV mawawala,” aniya pa.

Saka inaming mahina nga ang ALLTV network dahil, “Siyempre you have to understand nagsisimula palang ang ALLTV, nagsisimula palang ho kami. Sanggol palang ito, eh.

“Talagang wala pang commercial na papasok dito kasi wala pa kaming reach, wala pa kaming signal kaya nga ho sinisimulan palang.  Sana ipagdasal n’yo kami na maging successful ito para maraming istasyon na maraming magawa, marami kayong madinig na kabutihan, di ba?” sabi ng TV host.

Na-confuse ang ilang netizens sa tweet na ito ni Gab tulad ni @베나데트, “@gabvalenciano, If this is referring to Revillame…once upon a time di ba naging director ka ng show n’ya. But just the same, I agree with you.”

Same question din from @Secret Lover, “@gabvalenciano, Di ba naging director ka niya before sa Wowowin?”

Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili

Gab Valenciano sa mga Pinoy: Hangga’t may nangangailangan, tuloy ang laban…hanggang dulo!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gary, Angeli nagbabala sa mga nambu-bully kay Gab sa socmed: Pease stop bashing our son, God bless you

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending