Miguel Tanfelix sa Pinoy version ng Voltes V: ‘Gusto naming ipa-feel sa Gen Z ‘yung tuwa, lungkot, excitement, takot at lahat ng emosyon’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Raphael Landicho, Radson Flores, Miguel Tanfelix, Matt Lozano at Ysabel Ortega
ILANG tulog na lang at malapit nang umalingawngaw ang mga katagang “Let’s Volt In!” sa pagsisimula ng pinakaaabangang “Voltes V: Legacy” sa GMA Network.
Sigurado kaming handang-handa na ang mga Kapuso viewers all over the universe sa tinaguriang “most epic primetime series to land on Philippine TV.”
After four years in the making, mapapanood na nga ang first-ever live-action adaptation of the phenomenal Japanese ‘70s anime na “Voltes V” simula sa May 8 sa GMA Telebabad sa darating na May 8.
Ito’y pagbibidahan ng limang Sparkle artists — sina Kapuso Ultimate Heartthrob Miguel Tanfelix as Steve Armstrong, Ysabel Ortega as Jamie Robinson, Matt Lozano as Big Bert Armstrong, Radson Flores as Mark Gordon, and Raphael Landicho as Little Jon Armstrong.
Iikot ang kuwento ng “Voltes V: Legacy” sa tatlong magkakapatid na sina Steve, Big Bert, at Little Jon kasama ang dalawa nilang mga kaibigan na sina Jamie at Mark. Sila ang naatasang lumaban sa evil Boazanian forces na nagpaplanong lumusob sa Earth at sakupin ang sangkatauhan.
Ayon kay Miguel, hindi lang ang mga OG (original) fans ang mag-eenjoy sa Pinoy version ng “Voltes V” kundi pati na rin ang new generation, “Gusto naming ma-experience ng Gen Z ang naramdaman noon ng mga magulang nila nu’ng kabataan nila.
“Yung feeling na uuwi ka galing school tapos mahu-hook ka sa kuwento ng magkakaibigan at pamilya. Gusto naming ipa-feel sa kanila ‘yung tuwa, lungkot, excitement, takot at lahat ng emosyon,” sey ng Kapuso matinee idol.
Proud namang ibinandera ni Ysabel ang pagiging world-class ng kanilang serye, “We’re all fans of Hollywood movies na high quality ang graphics and ‘Voltes V: Legacy’ is like that.
“Except the fact that it’s made entirely in the Philippines. It’s something to be proud of and curious about. At the same time, it’s a story of our age and kung ano ang mga pinagdadaanan nila in everyday life,” dagdag pa ng dalaga.
Matt, on the other hand, recounts the early days of their taping and how their friendship eventually evolved, “This is my first lead role kaya grabe ang kaba ko nung una.
“Pero sobrang masaya ako kasi nandiyan ‘yung co-actors ko at si Direk Mark Reyes para mag-guide. Minsan naiisip ko parang magkakapatid na talaga kami, parang totoong pamilya at ‘yun ang best part ng show,” aniya pa.
Aminado naman si Radson na matinding pressure ang kinaharap nila habang ginagawa ang kanilang show, “Proud po talaga ako nung nakuha ko ang role ni Mark Gordon.
“Bilang newbie actor, mahirap makakuha ng project and mahirap siyang i-sustain. So may halo ring luck and hardwork na nakuha ko ang role. Kaya kahit anong mangyari, lagi kong ipagmamalaki na naging part ako ng project na ito,” dagdag ng binata.
Para naman sa child star na si Raphael, super relate raw siya sa character niya bilang si Little Jon, “Marami po kaming similarities like pagiging bibo, makulit, mahilig sa gadgets at higit po sa lahat, ‘yung pagiging mapagmahal sa magulang.
“Kailangan po itong panoorin ng kabataan dahil tungkol ito sa importance ng family. It will also teach everyone to be brave, strong, independent, matured, and kind,” pagbabahagi ng bagets.
Ang “Voltes V: Legacy” na ang sinasabing “most expensive and biggest TV production to date.”
Sabi nga ng direktor nitong si Mark Reyes, “Close to 1,000 people ang nagtulungan para malikha itong buong series in a span of 3 to 4 years.
“It was a long, complex, pandemic-stricken challenge for everyone involved. Pero I can proudly say that the whole team succeeded with a 100% Pinoy-made production that will entertain audiences not only locally, but also globally,” aniya.
Makakasama rin sa serye sina Kapuso Drama King Dennis Trillo as Ned Armstrong, the father of the three Armstrong brothers; Max Collins as Rozalia, a humanoid alien and the first wife of Ned; and Carla Abellana as Mary Ann Armstrong, Ned’s wife from planet Earth who will help him in creating Voltes V.
Ka-join din sina Gabby Eigenmann as Commander Robinson, the father of Jamie and the co-designer of Voltes V; and Albert Martinez as Dr. Smith, a colleague of Dr. Armstrong who will assist in the development of Voltes V.
Gaganap naman bilang mga kontrabida sina Martin del Rosario as Zardoz, the Prince of Boazanian Empire who wishes to conquer Earth; Liezel Lopez as Zandra, the unrequited lover of Zardoz; Epy Quizon as Zuhl, the scientist who will invent the Anti-Super Electromagnetic Device to destroy Voltes V; Carlo Gonzales as Draco, the three-horned general sent to Earth with Zardoz and Zandra.
Kasama rin sa show sina Chanda Romero as Contessa; Christian Vasquez as Emperor Zambojil; Ryan Eigenmann as Barron Zander; Dion Ignacio as Obgen; Carlos Siguion-Reyna as Emperor; Bibeth Orteza as Fadsa; Juan Rodrigo as Baden; Mike Lloren as General Watson; Jamie Wilson as Garth; Brent Valdez as Magus; Nico Antonio as Oslak; Khaine Dela Cruz as young Zardoz.
Completing the powerhouse cast are the members of Camp Big Falcon: Neil Ryan Sese as Dr. Hook, Elle Villanueva as Eva; Crystal Paras as Judy; Jamir Zabarte as Tomas; Kyle Ocampo as Amira; Migs Villasis as Apable; Kimson Tan as Tadao; Sophia Senoron as Ally; Julia Pascual as Anna; Dave Duque as PJ; Joaquin Manansala as Sergeant Major Edwards; Angela Alarcon as Chief Kelly; Marx Topacio as Master Chief; Kokoy de Santos as Harvey Perez; Sharmaine Arnaiz as Luisa; Jon Lucas as R.S. Ignacio; Marinella Sheen Del Pilar as Dr. Alonzo; JR Calinoc as EDF soldier; Seth dela Cruz as young Steve; Steven Canja as young Big Bert.
Samantala, ang Asia’s Limitless Star namang si Julie Anne San Jose ang kumanta ng official Japanese theme song ng “Voltes V: Legacy.” Ito’y mula sa bonggang collaboration ng GMA Network at ng Toei Company, Ltd. at Telesuccess Productions Inc..