Ace Banzuelo inihayag kung bakit mahirap magmahal sa bagong hugot song
INALALA ng Pinoy pop singer na si Ace Banzuelo ang ilan sa mga karanasan niya pagdating sa pag-ibig.
At ‘yan ay inihayag niya sa pamamagitan ng kanyang bagong hugot song na pinamagatang “Pag-ibig (Meron Ba?).”
Ayon sa singer, tila inisa-isa niya sa kanyang awitin ang ilang rason kung bakit mahirap matagpuan ang tunay na pagmamahal.
“Pag-ibig (Meron Ba) was inspired by a particular scenario in my life when I was looking for something not everyone can provide an explanation for,” sey ni Ace sa inilabas na pahayag ng Sony Music Entertainment.
Ani pa niya, “If you ask someone what love is, you will get a different answer every single time.”
Ipinagmalaki rin ni Ace na nabuo niya ang kanta sa isang upuan lamang niya at ang pinaka paborito, aniya, niyang parte nito ay ang second verse.
Paliwanag niya, ikinuwento niya roon ang kanyang experiences nang ma-inlove siya noong bata pa.
Baka Bet Mo: Angelica…patron ng mga tanga sa pag-ibig, sa wakas nanalo na: ‘Prayer reveal naman diyan’
“Sonically, the song sounds like a dream, but it’s very real at the same time,” sambit ng breakthrough chart-topper
Dagdag pa niya, “I’m not going for anything big, but I kept it simple without losing my signature dreamy production style and R&B vocal performances.”
Libo-libong fans naman ang tila nasaktan sa bagong kanta ni Ace at ang iba ay naka-relate.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento sa uploaded YouTube official lyrics ng kanta:
“Nananakit na naman si Ace!!! Congrats! Keep on writing and singing and we will never get tired of listening and get hurt.”
“Mahirap naman talaga ipilit ang hindi totoong pag-ibig. Kaya nga ang laging tanong, ‘Meron ba. Meron bang pipili sa akin?’”
“Why does it feel like this song was created for me? Napaka-timely ng song sa situation ko ngayon. I can’t help but to be silently sober while I’m listening to this habang nakasakay sa jeep.”
Related Chika:
Bianca Gonzalez 40 na: I have never been happier, more content, more at peace!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.