Gab Valenciano emosyonal na nagpaalam sa mga magulang: ‘Parting ways with loved ones is never easy’
NAGING emosyonal ang pagpapaalam ng musician-director na si Gab Valenciano sa kanyang mga magulang na sina Gary V at Angeli bago siya tuluyang lumipad patungong Amerika.
Ibinandera ni Gab ang isang video sa Instagram na kung saan ay makikita ang madamdamin nilang tagpo sa airport.
Mapapanood na iyak ng iyak ang ina ni Gab, habang si Gary V naman ay niyakap ng matagal at mahigpit ang kanyang anak.
Ayon pa kay Gab, hindi naging madali ang pagpapaalam niya sa mga magulang, lalo na’t sila ang kanyang naging lakas at inspirasyon sa buhay.
“This part is never easy. Parting ways with loved ones, especially these two who have been my main pillars of strength, wisdom, encouragement and inspiration, will never not be painful,” caption niya.
Gayunpaman ay nilinaw niya na hindi ito “goodbye” dahil magkikita pa rin sila ng kanyang pamilya.
Sey niya, “But this isn’t a goodbye though, instead, a very hopeful and exciting ‘see you later’.”
Baka Bet Mo: Gab Valenciano ‘superhero’ ang turing sa dating yaya, iniligtas noon sa tiyak na kamatayan
Dagdag pa niya, “I am grateful to have been blessed with such parents. That in itself is how I define my joy and happiness. That itself is how I describe my fulfillment and success.”
Hiling ng musician-director na maging proud sa kanya ang kanyang magulang dahil sa mga pangarap niyang makakamtan.
“I hope that one day I am able to make you both proud by fulfilling my greatest hopes and dreams and help as many people as I can in the process,” saad niya.
Aniya pa ni Gab, “I love you so much, mama and papa. May the Lord continue to bless you many times over, above and beyond your wildest dreams [white heart emoji].”
View this post on Instagram
Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Gab na maninirahan na siya sa Amerika.
Kasalukuyan siyang nasa Los Angeles, California upang makipagsapalaransa bagong buhay kasama ang ilang kapamilya at kamag-anak.
Related Chika:
Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.