Yasmien Kurdi proud sa pagiging ‘weird’: We are all unique in our own way

Yasmien Kurdi proud sa pagiging 'weird': We are all unique in our own way
AMINADO ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na may pagka-weird siya as a person.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya na bata pa lang siya ay napapansin na ng mga tao ang ganitong side niya.

“Bata pa lang ako naalala ko tinatawag na nila akong ‘weird’ ng mga classmates ko and friends from highschool at college,” pagbabahagi ni Yasmien.

Aniya, hindi raw ito nawala at hanggang noong pasukin niya ang mundo ng show business.

“Hanggang pumasok ako sa showbiz na akala kong mas maraming weird and out of this world mag isip na tao, pero weird pa din ang tingin nila sakin,” lahad ni Yasmien.

Pagpapatuloy niya, “Minsan tinatawag nila akong ‘krung krung’, ‘scaredy’, ‘weirdo’ at kung ano ano pa… Lagi nila ako pinagtatawanan (ng mga katrabaho ko) pero di ko alam kung bakit.”

Inisip pa nga ni Yasmien na baka hindi lang siya trip o gusto ng tao kaya tinatawag siyang weird. Nakikita rin niya sa mga mata ng mga ito na iba ang tingin nila sa kanya at altam niyang pinag-uusapan ng mga ito ang pagiging weid niya.

“Pero eventually I embraced my weirdness, siguro dahil doon kaya ako artista haha!” masayang sey niya.

Baka Bet Mo: Yasmien, Nadine muling magsasama sa ‘bardagulang’ serye ng GMA na ‘The Missing Husband’ makalipas ang 10 taon

Nagbigay rin ng payo ang aktres sa mga batang kasalukuyang nakakaranas at tinatawag ring weird kagaya niya.

Sey ni Yasmien, “Kaya kids, wag kayo ma bother kung may tumatawag sa inyong ‘weird’ because we are all unique in our own way. Wag mo iyakan yan (tulad ko noon.

“Di mo kailangan i-meet yung ‘standards’ ng society. Make sure lang na wala kang tinatapan na tao at mabait ka sa lahat. Be proud of your uniqueness at weirdness.”

Dagdag pa ni Yasmien, tuloy lang at maaring isang araw ay may maiambag ito sa pagbabago sa nakararami.

“Keep doing your thing. One day it will all make sense. Just keep going! One day you may just change the world. Cheers!” hirit pa ng aktres.

Nagbigay komento naman ang aktres na si Rita Avila sa post ni Yasmien.

Aniya, “Ang mga tao feeling nila na sila lang ang normal at standard of perfection. Pag d ka nila katulad,weird ka. Iba-iba naman talaga tayo. Walang better or worse dapat eh. God created us to be unique nga so ano pa ba ang argument nila?

Ur a beautiful being anak!”

Nakaka-relate na sey naman ng isang netizen, “all my life i always felt i was the odd girl out too. ramdam ko ung aloofness ng tao sakin na parang ayaw nila ako kausap or kasama. i used to wonder why, but as i got older i have grown to love my awkwardness and oddness ang importante lahat ng malapit sa atin mahal nila to kung sino at ano tayo.”

Related Chika:
Yasmien niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan: Dream car ko talaga siya!

Yasmien Kurdi dalawang dekada na sa showbiz, nag-uwi ng mga parangal: Always keep that fire burning!

Read more...