Kapatid ni Kim na si Lakam inilabas na sa ICU, nagpasalamat sa lahat ng nagdasal: ‘We are waiting for her consciousness to regain’

Kim nag-sorry sa mga fans, kapatid na si Lakam inilabas na sa ICU: 'We are waiting for her consciousness to regain'

Kim Chiu

TODO ang pasasalamat ng Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa lahat ng nag-alay ng dasal para sa paggaling ng kapatid niyang si Lakam Chiu.

Nakalabas na sa intensive care unit (ICU) sa isang ospital ang nakatatandang kapatid ni Kim makalipas ang ilang araw na pagkaka-confine roon.

Sa pamamagitan kanyang Instagram Story kagabi, April 2, ipinahayag ng girlfriend ni Xian Lim ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang kapatid.

Hindi pa rin nabanggit ng dalaga kung ano talaga ang sakit o karamdaman ni Lakam sa kanyang latest social media post ngunit mukhang bumubuti na nga ang kundisyon nito matapos isugod sa ICU.


Sabi ni Kim hinihintay na lang nilang magkamalay ang kapatid, “Thank you for your prayers for my ate Lakam. Sorry I was not able to reply to each one of you. She is out of ICU last night.

“She is transferred to a normal room. We are waiting for her consciousness to regain.

Baka Bet Mo: Anak ni Andrew Schimmer humingi ng tulong para sa inang nasa ICU

“Maraming salamat po for praying. Tuloy lang po sana tayo sa pagdadasal. (praying hands emoji). Thank you po sa inyong lahat. (heart emoji),” mensahe pa ni Kim.

Matatandaang noong April 19, sa mismong 33rd birthday ni Kim, ibinahagi ng aktres sa kanyang mga tagasuporta na hindi siya masyadong okay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil sa nangyari sa kanyang ate.


Kasunod nito, humingi ng paumanhin si Kim sa mga taong bumabati sa kanya dahil hindi niya nasasagot lahat ang mga ito, “Today is different. I wish it were different. (broken heart emoji).

“Before today ends, I want to say Thank You for all your greetings and well wishes.

“Thank you for the flowers, cakes, and meaningful birthday messages you sent here online and personally.

“I’m sorry I couldn’t answer all your messages. I appreciate you all so much. (heart emoji) Salamat po.

“Kung may hihingin man akong regalo sa inyo ngayon yun ay prayers para sa ate Lakam ko. (praying hands emoji).

“Everything happened in a snap of a finger. She is my strength, and now the word strength becomes blurry. Please pray for her recovery. (praying hands emoji),” ang pahayag pa ni Kim.

Kim Chiu humiling ng dasal para sa kanyang Ate Lakam: She is my strength, and now…

Kim may pa-tribute para sa b-day ni Sissy Kamy: Swerte kami na ikaw ang sandalan namin!

Read more...