DREAM come true para sa singer na si Ronnie Liang ang magtanghal sa harap ng matataas na opisyal sa Malacañang.
Inanunsyo noong nakaraang lamang na magkakaroon ng concert series ang Malacañang kada tatlong buwan at tinawag itong “Konsyerto sa Palasyo.”
Ayon sa organizers ng event, mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nagplano nito upang ipakita ang talento at galing ng mga Pinoy pagdating sa pagtatanghal.
At ang unang “Konsyerto sa Palasyo” ng Malacañang ay naganap noong April 22 na kung saan ay inihandog ito para sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Isa sa reservist ng AFP si Ronnie at isa rin siya sa mga napili upang magtanghal sa nasabing concert series.
Ayon pa sa singer, hindi kapani-paniwala at isa raw ito sa mga hindi niya malilimutang karanasan sa buhay.
Sa Instagram, ibinandera ni Ronnie ang ilang pictures kasama ang pangulo, pati na rin ang ilang matataas na opisyal na nasa event.
“Performing at the first-ever “Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting” held at the Malacañang Palace was a surreal and unforgettable experience,” caption niya.
Lahad pa niya, “The grandeur of the place, and the thought of performing in front of such a distinguished audience, made it a mixture of nerves and excitement, but simultaneously, a dream came true.”
Inihayag din niya ang kanyang pasasalamat na maging parte ng bonggang concert sa Palasyo.
“I am truly grateful to President Ferdinand @bongbongmarcos Jr. (Our Commander in Chief), First Lady @lizamarcos and the @pcogovph Presidential Communications Office (PCO) for inviting me to be part of this momentous occasion,” ani sa IG post.
Isang karangal daw na kilalanin ang mga kabayanihan at sakripisyo ng AFP.
Aniya pa, “It is an honor to be part of a concert that not only recognizes the heroism and sacrifices of our AFP but also provides some respite to their families and showcases new and young talented Filipino artists.”
Related Chika:
Malacañang may pa-concert kada 3 buwan, ang unang pagtatanghal ‘dedicated’ sa AFP