Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: 'Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist'

Vice Ganda at Rendon Labrador

KINAMPIHAN ng motivational speaker at social media personality na si Rendon Labador ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda sa kinasasangkutang issue nito ngayon.

Matapang na ipinagtanggol ni Rendon ang TV host-comedian sa mga bashers at haters na nagsasabing hindi raw dapat ipinahiya ni Vice ang magdyowang humablot sa suot nitong wig habang nagpe-perform sa kanyang concert.

Pinagsabihan ng komedyante ang dalawang fans, “Don’t do that. Don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me.”


“You don’t do that, that’s very rude. I’m trying to give you a wonderful time but don’t hurt me. Di ba? That’s not right, we have to be friends here. Don’t hurt me,” aniya pa.

Maraming sumang-ayon kay Vice at nagsabing bastos nga raw ang mga humablot sa wig ni Vice kaya dapat lang silang i-callout. Pero may ilan naman ang nagkomento na hindi tamang ipahiya ang mga ito sa harap ng audience.

Kaya naman ipinagtanggol ni Rendon si Vice sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya sa Facebook at nagsabing dapat irespeto pa rin ang “personal space” ng mga artista.

“Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang concert o sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist.

Baka Bet Mo: Rendon Labador muling bumanat kay Coco Martin: Settle niya muna siguro ang issue niya sa mga vendors

“Pumunta ka doon para manood sa show hindi para manabunot ng tao. Paano kung panot ‘yun, natanggal ‘yung buhok niya, eh sira ‘yung career niya,” ani Rendon.

Patuloy pa niya, “Hindi n’yo ba alam yung tinatawag na personal space? Trespassing ka eh! Mayroon kasing tinatawag na personal space tayong mga tao na kapag nag-step over kayo doon magkakaroon kami ng rights na protektahan din ang aming sarili.”

Ipinagdiinan pa ni Rendon na dapat maging accountable ang mga tao sa kanilang mga ginagawa at sinasabi, lalo na kung meron nang nasasaktan at nagrereklamo.

“Dapat kayong mga tao, accountable kayo doon, alam n’yo din ang mga limits ninyo. Kasi si Vice hindi naman niya ‘yan nakuha nang basta-basta.

“Pinaghirapan niya (Vice) ‘yung pangalan niya. Nagpaganda ‘yan, nag-prepare ‘yan, para mabigyan kayo ng entertainment,” ang punto pa ni Rendon.


Iba’t iba naman ang reaksyon ng mga netizens sa pagtatanggol ni Rendon kay Vice. Narito ang ilang comments na nabasa namin.

“Sa lahat ng mga sinasabi mo Rendon Labador dito lng argree syo ky vice ganda issue 100% tama ka.”

“Sawsaw pa more demotivational rice.”

“Mag focus Ka nalang sa motivational rice mo po na walang na motivate.”

“Baka motivational price ang mahal ng kanin mo promise.”

“Tama ka dyan boss. Sa lagi kong panonood ng video mo boss mas nasabi ko ngayon na ang GALING mo. Mas naintindihan kona kung bakit mo ginagawa yan para ma motivate lahat ng tao, lumabas sila sa kanilang comfort zone.”

“Feeling mo talaga ka level mo na si vice ganda.”

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Read more...