Pamatay na hirit ni Chito sa itsura ni Neri: ‘Kahit tulog siya’t nakanganga, gandang-ganda pa rin ako sa kanya’

Pamatay na hirit ni Chito sa itsura ni Neri: 'Kahit tulog siya't nakanganga, gandang-ganda pa rin ako sa kanya'

Chito Miranda at Neri Miranda

SIGURADONG tuwang-tuwa at kilig na kilig ang aktres at negosyanteng si Neri Miranda sa napaka-sweet na pa-shoutout ng kanyang mister na si Chito Miranda sa social media.

Idinaan muli ng Parokya ni Edgar vocalist sa social media ang kanyang mensahe kay Neri kung saan ibinandera niya sa buong universe ang pagmamahal at abot-langit na paghanga sa kanyang asawa.

Nag-share si Chito ng litrato ni Neri sa Instagram kalakip ang pamatay niyang mga hirit, “Minsan napapatitig na lang ako sa asawa ko while she’s busy doing something, tapos sasabihin ko ‘ang ganda naman ng asawa ko!’


“Tapos sasabihin nya ‘Nye…inlab ka lang talaga sa akin.’ Totoo din naman…inlab na inlab din naman talaga ako sa kanya at gandang-ganda talaga ako sa kanya kahit nakapambahay lang sya at di naka-ayos,” ang papuri niya sa kanyang wais na misis.

Paglalarawan pa niya sa asawa, “Kahit nga tulog sya’t nakanganga, gandang ganda pa rin ako sa kanya eh. (well…hindi siguro gandang-ganda, pero nagagandahan pa rin ako sa kanya kahit wa-poise sya matulog minsan).

Baka Bet Mo: Liza binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam

“Pero sa totoo, gandang ganda talaga ako sa kanya kahit di ko sya mahal or kahit di ko sya asawa.

“Minsan nga, nasa mall or grocery kami, napapatingin talaga ako kasi may magandang babae…yun pala si Neri Naig from Star Circle Quest (at mas maganda pa sya ngayon kesa dati).


“Ewan ko ba dito sa babaeng ‘to kung bakit hindi sya nagagandahan sa sarili nya eh ang ganda ganda nya,” sey pa ng OPM icon.

“Pero palagi kong sinasabi na mas gusto ko nang di nya alam na maganda sya tapos ang ganda ganda nya (kesa naman sa gandang ganda sya sa sarili nya tapos hindi naman pala masyado)…

“Dahil yun yung naging dahilan why she has this constant urge to learn and improve herself…to compensate for her ‘lack of looks’.

“And du’n ako pinaka na-attract sa kanya: yung fact na hindi sya nakuntento with simply having a pretty face.

“Wala lang…dami ko na agad senti, ang aga aga,” ang dagdag hirit pa ni Chito Miranda.

Darryl Yap: Itong mga Kakampink na ito, nangarap na naman na makaka-points sa akin

Hirit ni Heart: ‘I would never ever make taray on someone especially if he’s like a guard or server…’

Read more...