LTO: Driver’s license na mae-expire simula April 24 palalawigin, multa sa ‘late penalty’ ‘di muna sisingilin

LTO: Driver’s license na mae-expire simula April 24 palalawigin, multa sa ‘late penalty’ ‘di muna sisingilin

PHOTO: Lyn Rillon/INQUIRER

MAY good news para sa mga may driver’s license na mawawalan na ng bisa simula April 24.

Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na automatic na mae-extend ang mga validity nito hanggang sa October 31.

Ito raw ay dahil sa kakulangan ng supply ng plastic cards ng kanilang ahensya.

Ayon kay LTO Chief Jay Art Tugade sa isang memo noong April 21, hindi na kinakailangang i-renew ang mga lisensya na mae-expire simula April 24 at ang lahat ng penalties para sa late renewal ay hindi na pagmumultahin.

“All holders of driver’s license cards expiring 24 April 2023 onwards shall no longer be required to renew their licenses until October 31, 2023, or as soon the driver’s license cards become available for distribution to the public,” saad sa inilabas na memorandum circular.

Lahad pa, “Further, all penalties for late renewal transactions shall be waived.”

Baka Bet Mo: Driver’s license holders ‘di na sasailalim sa ‘periodic medical exam’ –LTO

Kamakailan lang ay sinabi ni Tugade na ang LTO ay nawawalan na ng suplay ng plastic cards kaya ang mga permit na ilalabas nito ay ipi-print na muna sa likod ng mga Official Receipt.

Base sa huling report ng LTO, tinatayang nasa 147,000 pieces nalang ng plastic cards ang mayroon ang ahensya sa lahat ng sangay at ito raw ay posibleng maubos sa huling linggo ng Abril.

Samantala, noong nakaraan lamang ay ibinalita ng LTO na hindi na required sumailalim sa regular medical examinations ang mga driver’s license holders na may validity na five to ten years

Ayon sa pahayag ng ahensya, ito ay alinsunod sa inamyendahang Memorandum Circular 2021-2285 o ang “Supplemental Implementing Rules and Regulations” of Republic Act 10930.

Sinabi ni Tugade na angkop lamang na tanggalin ang medical requirement dahil base sa iba’t ibang mga pag-aaral na isinagawa ng ahensya ay nagpapatunay ito na hindi kasama sa mga dahilan ng mga aksidente sa kalsada ang hindi pagsunod dito.

Sa ilalim ng nabanggit na kautusan, ang mandatory medical examination ay magiging required lamang bago mag-apply ng bagong lisensya, at pagpapa-renew ng driver’s license.

Read more:

Pagre-renew ng rehistro ng sasakyan pwede na ‘online’ – LTO

Read more...