ISANG kababayan natin ang muling pinatunayan na pang-world class ang talento ng mga Pinoy pagdating sa kantahan!
Ito ay matapos mapatayo at makatanggap ng standing ovation ang Pinoy singer na si Raymond Salgado mula sa mga judges, pati na rin sa mga audience matapos mag-audition sa international TV show na “Canada’s Got Talent.”
Uploaded sa YouTube ang video clip ni Raymond at mapapanood na kaagad na napa-wow ang ilang judges nang marinig ang kanyang boses.
Ang audition piece na kinanta ni Raymond ay ang “Heaven” ng iconic singer na si Bryan Adams.
Tila nag-viral ang naging audition clip ni Raymond sa social media na as of this writing ay umaani na ng mahigit 230,000 views.
At siyempre, hindi naman nagpahuli ang BANDERA upang magkaroon ng eksklusibong panayam sa Pinoy singer.
Nakwento ni Raymond sa amin na dream come true ang pag-audition niya sa nasabing kompetisyon, lalo na’t maraming mga Pinoy ang kanyang mai-inspire.
“I became interested ever since I was a child. I’ve always aspired to be on the stage inspiring the Filipino community as there wasn’t much representation at the time being raised in Vancouver Island,” sey sa amin ni Raymond.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Venus Raj mala-‘Big Ate’ ang peg sa sariling podcast, magbabalik-showbiz na nga ba?
Nabanggit din niya na ang kanyang pamilya ang dahilan kaya lagi siyang inspired na sumali sa mga ganitong klaseng malalaking kompetisyon.
Kwento niya, “My family is the reason why I am where I am. Both my parents immigrated to Canada. My mom met my dad in Canada as he was still working abroad and eventually married, and I was born in 1998”
Chika pa niya, “My mom put me into lessons when I was 11 years old. Ever since then, so many unexpected things have happened in my life with music that I could never have imagined.”
“I owe it to my family, the Filipino community I grew up with and my friends who have stuck by me,” aniya pa.
Naitanong din ng BANDERA kay Raymond kung may lovelife din ba siya na nagsisilbing inspirasyon sa kanyang music career.
Ang sagot niya sa amin, “I am just wanting to focus on my journey with music and with school as I prepare to pursue the healthcare field as a care aid.”
Bagamat nakakuha ng apat na “yes” ang Pinoy singer mula sa kanyang audition ay nagkaroon din siya ng ilang pagsubok bago makasali sa kompetisyon.
Isa na raw riyan ay ‘yung pagkawala ng kanyang boses dahil sa COVID-19, pero ito raw ay nalampasan niya matapos sumabak sa matinding vocal training.
“In 2022, I lost my voice due to Covid, which restrained me from singing for about 3-5 months,” ayon kay Raymond.
Chika pa niya, “When I decided to participate in Canada’s Got Talent, I had to train and vocalize with my teacher Alida Annicchiarico and famous Vocal Coach Cheryl Porter, who helped me gain my voice to be stronger and gain my confidence after battling vocal difficulties.”
Sa huli ay nagkaroon ng mensahe si Raymond para sa mga Pilipino na patuloy pa ring inaabot ang kanilang pangarap.
Paalala niya, biyaya at regalo mula sa Diyos ang talento na mayroon tayo kaya dapat lang na maging proud at huwag matakot na ipakita sa buong mundo.
“Being Filipino has always meant being proud of who you are, don’t be afraid of your dreams, and when you have a talent that inspires and encourages people, that’s a gift from God,” sey ni Raymond.
Aniya pa, “My goal is to inspire people from my race as a Filipino, in the LGBTQ+ and for anyone who has a dream to pursue it. Enjoy life young or whenever you are given an opportunity to take it without hesitation.”
Related Chika:
Netizen nahiyang magbigay ng 5 piso sa mga nangaroling: ‘Pang-grand finals ng Got Talent!