Rufa Mae Quinto muling bibida sa remake ng ‘Booba’ makalipas ang 2 dekada

Rufa Mae Quinto muling bibida sa remake ng ‘Booba’ makalipas ang 2 dekada

PHOTO: Instagram/@rufamaequinto

MULING magpapatawa sa big screen ang comedienne-actress na si Rufa Mae Quinto.

Inanunsyo niya sa social media na magkakaroon ng remake ang iconic comedy film na pinamagatang “Booba” at siya pa rin ang bibida rito.

Kung maaalala, taong 2001 pa nang unang ipinalabas ang nasabing pelikula na umiikot sa istorya ng main character na si Booba na hinahanap ang matagal nang nawawalang kapatid.

Dahil sa paghahanap ng bida ay iba’t-ibang uri ng trabaho ang kanyang pinasukan, tulad ng pagiging dancer, yaya at hanggang sa naging isang NBI agent.

Sa Instagram, ibinandera ni Rufa ang ilang litrato na naka-swimsuit habang nasa beach ng Hawaii.

“BOOBA is BACK,” caption pa niya.

Dagdag pa niya, “Purity, clarity, beaut , sexy, ty.”

“After 23 years, I revive my Booba self into a new generation…new movie [emojis],” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Rufa Mae proud na proud sa ‘academic award’ ng anak: Ito ang pinakamagandang regalo mo sa amin ng daddy mo

Excited naman ang maraming fans ni Rufa Mae at looking forward sa kanyang bagong proyekto.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“This is really really good newsh yeshhh… [clapping hands emoji].”

“Yeees! Looking forward to it! Todo na to! #bigfan”

“Na-iIisa ka lang talaga gow gow gow laban na toh booba whoooo coming coming todo na back [emojis].”

Pabalik-balik lang si Rufa Mae dito sa Pilipinas at sa US dahil nga doon na naka-base ang asawa niyang si Trevor Magallanes kasama ang anak nilang si Athena.

Umuuwi siya sa bansa kapag nakakatanggap ng magandang proyekto sa showbiz. 

Ang huling pag-uwi niya sa Pinas ay bago matapos ang 2022 na kung saan ay kasama pa niya ang kanyang anak.

Related Chika:

Ethel Booba ingat na ingat na sa pagpo-post sa socmed: Kasi pag na-bash ako, siguradong damay ang anak ko

Read more...