Doug Kramer proud na proud kay Gavin sa paglalaro ng basketball: He won his first ‘Best Player of the Game!’

Doug Kramer proud na proud kay Gavin sa paglalaro ng basketball: He won his first ‘Best Player of the Game!’

PHOTO: Instagram/@dougkramer

MUKHANG susunod na sa yapak ng dating PBA player na si Doug Kramer ang nag-iisa niyang anak na lalaki na si Gavin.

Kitang-kita kasi sa Instagram video ni Doug ang mahusay na paglalaro ng basketball ng kanyang unico hijo na siyang ebidensya na may pinagmanahan talaga ito.

Kasabay niyan ay proud ding ibinalita ng dating PBA player na naiuwi ng kanyang anak ang kauna-unahan nitong award sa basketball, ang “Best Player of the Game.”

“Gavin scores his very first basket, then goes to win his first best player of the game!,” sey sa caption.

Ayon pa kay Doug, masipag mag-training ang kanyang anak kaya deserve nito ang nakuhang parangal.

Saad sa IG post, “Sooo proud of him! He’s been training every morning, every afternoon, every day!”

“He still has a long way to go, but this is a good first step to get his confidence and motivation going!,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Kendra Kramer pangarap maging supermodel, pero hindi raw ito pang-forever kaya gusto ring maging negosyante at doktor

Makikita rin sa comment section ng post na tuwang-tuwa rin ang misis ni Doug at ina ni Gavin na si Chesca.

“Yeah!!! [emojis] Keep working hard, Gavin!!! Keep learning! Keep growing! Congratulations, my boy!!! [flying kiss emoji],” komento ng aktres at model.

Humanga rin ang maraming netizens at may iilan pang nagsabi na mas magaling pang mag-shoot si Gavin kaysa sa kanila.

Narito ang mga nabasa namin sa comment section:

“Bruh he has better shooting than me [laughing face emoji].”

“Sheeesshhh kid is better freethrow shooter than me.”

“Grats lil man good job..bright future ahead. Proud of you always! [red heart emojis].”

Related Chika:

Chesca, Doug 4 na beses nang nabigo sa pagbuo ng baby sa pamamagitan ng IVF

Read more...