Kathryn Bernardo, Dolly de Leon nag-dinner kasama ang team ng ‘A Very Good Girl’, netizens na-excite

Kathryn Bernardo, Dolly de Leon nag-dinner kasama ang team ng 'A Very Good Girl', netizens na-excite
SOBRANG na-excite ang mga fans nang makita nila sa isang frame sina Kathryn Bernardo at ang “Dirty Linen” star Dolly De Leon.

Finally ay nagkita na ang dalawa matapos announcement ng kanilang forthcoming Star Cinema movie na “A Very Good Girl”.

Actually, nag-bonding sina Kathryn at Golden Globe 2023 nominee sa isang dinner recently. Kasamang nakunan sa photo na kumalat sa social media ang director na movie nila na si Petersen Vargas kasama ang cinema creatives and production team na pinangungunahan ni Carmi Raymundo, creative manager for “A Very Good Girl”.

“Yes so Excited so much!!!” said one fan.

In an interview early this month, sinabi ni Kathryn kung bakit pinili niya ang movie with Dolly.

“Noong nag-pitch sila, marami silang pinitch and it was very hard for me to pick because lahat Maganda talaga. So, tinanong nila ako. ‘Ano ‘yung naramdaman mo sa mga pinitch?’

Baka Bet Mo: Dolly de Leon sa pagsasama nila ni Kathryn Bernardo sa pelikula: Kinikilig ako kasi galing na galing ako sa kanya at napakabuti rin niyang tao

“Eto talaga ang nasa utak ko, but then gusto ko ring marinig ang mga opinion kasi nakita ako ng mga ito, tumanda ako literal sa harap nila so they know what’s best for me. Ano ba ang kailangan kong gawin after ‘Hello, Love Goodbye’.

“Ang tagal na rin ‘yung ginawa kong last movie. And then we picked this. Ang tanong ko talaga, sino ang perfect character na nagpo-portay nitong kung anuman ‘yung role. Sino ang na-imahgine ninyo and then they mentioned Dolly de Leon. Sabi ko talaga, kaya ba sa schedule niya or will she agree to do the project,” chika ni Kathryn.

Lahat kami, fingers crossed, sana maayos. Just yesterday, sabi ko, confirmed na ba si Ms. Dolly de Leon. Sabi niya, nag-yes na daw si Ms. Dolly.

“Wow! What an honor. For sure, marami akong matututunan sa kanya. I can’t wait to meet her again kasi sinabi niya pal ana nagkasama na kami years ago when I was younger. Before pa, that was very short lang. so now I’m looking forward na mas makatrabaho siya nang mas matagal, at mas makilala siya,” dagdag pa ni Kathryn.

Incidentally, marami ang humuhula na magbabalik ang character ni Dolly sa “Dirty Linen” kahit na sa flashback lang. Marami ang naghihintay ng moment na iyon.

Related Chika:
Dolly de Leon sa mga gustong makilala sa Hollywood, tanungin muna ang sarili: ‘Why do you want to be there?’

Kathryn Bernardo sa mga bagong pasabog sa showbiz career ngayong 2023: ‘Sa totoo lang, kabang-kaba na talaga ‘ko!’

Read more...