Pelikulang ‘Insidious’ muling mananakot makalipas ang limang taon

Pelikulang ‘Insidious’ muling mananakot makalipas ang limang taon

PHOTO: Courtesy Columbia Pictures

MAKALIPAS ang limang taon, magkakaroon na ulit ng pelikula ang hit horror film na “Insidious.”

Ito ang ikalima at huling saga ng pelikula na pinamagatang “Insidious: The Red Door.”

Ang kwento nito ay iikot pa rin sa pamilyang Lambert na kung saan ay marami pa sa kanilang masamang lihim ang dapat malantad.

Kagaya ng mga naunang pelikula, ang bibida pa rin bilang mga miyembro ng Lambert family ay sina Ty Simpkins, Patrick Wilson, Rose Byrne at Andrew Astor.

Sa inilabas na trailer ng Columbia Pictures Philippines noong April 19, mapapanood na makakaranas ng serye ng mga bangungot sina Josh (Patrick Wilson) at Dalton Lambert (Ty Simpkins) na nagmula pa sa kanilang madilim na nakaraan.

Bukod diyan ay muli nilang makakaharap ang “supernatural terrors” na nasa likod ng tinatawag na “red door.”

Baka Bet Mo: Sikat na sapatos ni Michael Jordan ginawan ng pelikula

Ang setting ng istorya ng pelikula ay sampung taon matapos ang mga pangyayari sa “Insidious” noong 2010 at “Insidious: Chapter 2” noong 2013 na kung saan pinahirapan ng “paranormal beings” sina Josh at Dalton.

Ang “Insidious: The Red Door” ay ang directorial debut ni Wilson, habang si Scott Teems naman ang sumulat ng screenplay.

Ang nabanggit na pelikula ay mapapanood sa mga lokal na sinehan sa darating na Hulyo.

Related Chika:

‘Blue Beetle’ ang bagong superhero ng DC comics, first time na bibida ang isang Latino

Read more...