Ang rebelasyon ni Rica ay naikuwento niya sa pamamagitan ng TikTok matapos siyang tanungin ng isang netizen.
Ayon sa nagtanong, “may nagsabi sa akin na laging magulo ang house niyo [laughing face emoji].”
Agad namang siyang sinagot ng dating aktres at sinabing totoo ang nakalap niyang tsismis tungkol sa kanyang bahay.
Inisa-isa pa niya ang mga dahilan kung bakit laging magulo ang kanyang tahanan.
Ang una raw ay hinahayaan niyang maglaro nang magdamag ang kanyang mga anak na lalake upang mahubog ang pagiging malikhain nila.
“One is because I’ve got kids, small kids in the house and their both boys and I just let them play all day. And tsaka na namin nililigpit kapag matutulog na,” sey ni Rica.
Baka Bet Mo: Rica maraming pangakong ‘napako’ dahil sa anak, payo sa mga mommy: Never stop listening to your kids
Paliwanag pa niya. “I want my kids to move. I want them to just keep playing with their things and not feel like, ‘ay hindi ako pwedeng magkalat kasi ayaw ng nanay ko.”
“Kasi ‘yung kalat, naaayos naman ‘yan e, pero ‘yung creativity na dumadaloy sa kanila, sa developmental stage na ito, hindi ko na ‘yan mababalikan,” Ani pa niya.
Ang ikalawa naman daw ay gusto niyang matutong magligpit ang kanyang mga anak bukod pa sa hindi na niya afford na magkaroon ng maraming helper.
“Belief ko rin talaga and na-share ko na ‘to before na kapag dumadami kasi ang staff mo, hindi nae-encourage na magligpit o mag-ayos ‘yung mga anak mo. Kasi kakagulo lang nila, may mag-aayos na so feeling nila in their heads, magic,” sambit ng dating aktres.
At ang huling dahilan ng aktres na kaya gusto niyang magulo ang kanyang bahay ay dahil ito raw ang sign na kasama pa rin niya ang kanyang mga anak.
Saad niya, “Pangatlo, alam niyo kahit ang ganda ganda talaga tingnan ang isang maayos na bahay, for some reason kapag nakikita ko na magulo siya, feeling ko sign of life siya”
“At actually gusto ko siya kasi ibig sabihin, nasa akin pa ang mga anak ko at hindi ko alam kung masyado lang ba ako nag-iisip,” ani Rica.
“Pero one day, hindi na magiging ganun ang bahay ko…Wala nang halos kailangang ayusin kasi ibig sabihin, may kanya-kanya ng buhay ang mga anak ko,” chika pa niya.
@ricaperalejo Replying to @Secret ♬ original sound – Rica Peralejo Bonifacio
Maraming netizens naman ang humanga at naka-relate sa mga naging sagot ni Rica.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin mula sa comment section:
“I love your mentality, very open & supportive to the ‘Growth’ of your children [red heart emoji].”
“That’s a good house management for a mother with kids. For a certain period, let the kids do their thing while teaching them the value of orderliness.”
“Smart woman can handle negative thoughts like this [thumbs up emoji].”
As of this writing ay umani na ng mahigit 2.5 million views ang video ni Rica.
Related Chika:
Rica Peralejo: Broken na broken talaga, iyon ‘yung feeling ko…napagod ako!