Gabby ayaw nang sumabak sa politika matapos matalo noong tumakbong mayor | Bandera

Gabby ayaw nang sumabak sa politika matapos matalo noong tumakbong mayor

Ervin Santiago - February 16, 2022 - 07:00 AM

Gabby Concepcion

WALANG kaplanu-planong sumabak sa magulong mundo ng politika ang Kapamilya veteran actor na si Gabby Concepcion.

Gumaganap na presidente ng Pilipinas sa GMA primetime series na “First Lady” si Gabby kaya naman natanong sa kanya kung may balak ba siyang maging public servant kapag nabigyan ng pagkakataon.

Ayon sa leading man ni Sanya Lopez sa nasabing romcom teleserye, kahit na-experience na niya ang maging politiko sa telebisyon, hindi raw niya naiisip na tumakbo sa kahit anong posisyon sa gobyerno.

Ito’y dahil na rin sa naging karanasan niya noong subukan niyang sumabak sa politics. Kumandidato siya bilang mayor sa San Juan City pero hindi siya nanalo.

“Nagkaroon na ho ako ng konting experience diyan, pero sa ngayon, wala ho (balak na tumakbo),” pahayag ni Gabby na gumaganap na President Glen Acosta sa “First Lady.”

Dagdag pa ng aktor, wala naman siyang pressure na nararamdaman sa pagganap bilang pangulo ng Pilipinas dahil hindi naman daw siya tumatakbo sa Eleksyon 2022.

“Tungkol sa eleksyon, wala akong pressure dahil hindi naman talaga ako tatakbo.

“Kaya ang gusto natin talagang ipakita, katulad nang sinabi ni Direk (LA Madridejos), kung ano ang mga nangyayari behind the scenes ng mga nakikita nating politicians na puro kampanya ang ginagawa, scripted lahat ng mga sinasabi nila bago sila humarap sa mga tao.

“Ito naman, of course, may script na, pero ito yung nangyayari sa bahay nila bukod sa personal na buhay nila,” paliwanag pa ni Gabby.

View this post on Instagram

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)


Samantala, sa tanong kung sino ang peg niya sa kanyang role sa “First Lady’, “Wala naman akong binabasehang presidente na dapat kong gayahin dahil iba-iba ho naman sila kapag nasa bahay na.

“So, interpretation ko na lang. Marami rin akong pinanood pero hindi ko nakikita yung ano sila sa bahay nila,” chika pa ni Gabby.

https://bandera.inquirer.net/298181/angeline-ilang-beses-nang-inalok-na-sumabak-sa-politika-why-not-pero

https://bandera.inquirer.net/293522/bea-dominic-sumabak-sa-bagong-challenge-hindi-tayo-dapat-pabigla-bigla-baka-mag-away-tayo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/297136/kuya-kim-gustong-si-dingdong-ang-bumida-sa-kanyang-life-story-game-na-ring-sumabak-sa-akting

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending