Coleen, Billy nag-date sa Tagaytay para sa 5th wedding anniversary: ‘Off to relax and enjoy the rest of the day…’

Coleen, Billy nag-date sa Tagaytay para sa 5th wedding anniversary: ‘Off to relax and enjoy the rest of the day…’

PHOTO: Instagram/@coleen

NASOLO ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ang isa’t-isa sa pagdiriwang ng kanilang 5th wedding anniversary.

Ito ay ibinandera mismo ng dalawa sa kanilang social media accounts na kung saan ay ibinahagi nila ang simple celebration na naganap sa Tagaytay City.

Kwento pa ni Billy sa Instagram, minotor lang nila ang pagpunta sa kanilang dating spot.

“Happy 5th wedding anniversary, my everything!,” pagbati ng singer-actor sa kanyang misis.

Chika niya, “Started from a small motorcycle trip to Tagaytay, followed by some spontaneous plans together.”

“Off to relax and enjoy the rest of the day before we go back to being mommy and daddy again. [laughing face emoji] #coleengotthebill I love you so much [emojis],” aniya pa.

Baka Bet Mo: Billy Crawford may pinatatamaan nga ba sa farewell post sa ‘Tropang LOL’?

May hiwalay na IG post naman si Coleen at sinabing nag-enjoy siya sa naging Tagaytay getaway nilang mag-asawa.

Caption niya, “5 years married to this guy. [winking face with tongue emoji]”

Paglalahad ng aktres sa mga ginawa nila, “Today started with a (very hot) breakfast ride, and then a bunch of spontaneous, last-minute plans that we were not prepared for, but thoroughly enjoyed anyway.

“It ended the same way it always does: chilling and watching our current favorite show, then cuddling up with our little one.

“So blessed I get to do life with you @billycrawford Love you! [white heart emoji],” ani sa post.

Matatandaang noong April 2018 nang ikinasal sina Coleen at Billy sa isang exclusive island ng Balesin.

Matapos ang dalawang taong kasal ay biniyayaan sila ng anak na si Amari.

Related Chika:

Ana Jalandoni pinagsusuntok, pinagsasampal daw: ‘Basag talaga yung mukha niya as in, buong katawan’

Read more...