HUWAG ma-pressure.
‘Yan daw ang naging advice ng original host ng Barangay Hall on-air program na “Face 2 Face” na si Amy Perez para sa TV host-actress na si Karla Estrada, bilang siya na ang papalit kay Amy sa nasabing programa.
Sa isinagawang media conference noong April 17 ay inamin ni Karla na nanghingi siya ng advice kina Amy at Gelli de Belen na dating host din ng show.
“Napakaraming binigay na tips sa akin si Ate Amy [Perez] dahil magkaibigan naman talaga kami. In fact, tiyahin ni Daniel [Padilla] ‘yan. Matagal na kaming nag-uusap about this,” sey ni Karla.
Dagdag pa niya, “Humingi ako ng advice dahil of course, si Tyang Amy talaga ang nag-umpisa nito. Ang sabi niya, ‘Umpisahan mo ang [bagong] show bilang ikaw, hindi ako’.”
Lubos ang pasasalamat ng aktres dahil sa suporta na ibinibigay sa kanya ng dalawang original host.
“Marami kaming pinag-usapan, pero at the end of the day, maganda ang aming usapan bilang kamag-anak,” kwento niya.
Ani ng aktres, “Kaya thank you very much kay Amy and Gelli de Belen kasi nakaka-happy magkaroon ng support sa mga dating hosts.”
Baka Bet Mo: Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?
Naging highlight din ng press conference ang serye ng “well wishes” videos mula sa mga katrabaho ni Karla at kabilang na nga riyan ang dating co-host sa ABS-CBN morning talk show na “Magandang Buhay” na si Melai Cantiveros.
Kinuwestyon naman ng media kung bakit wala sa video ang isa pa niyang co-host sa dating show na si Jolina Magdangal.
Paglilinaw ni Karla, wala namang alitan sa pagitan nila ni Jolina.
“Hindi ko naisip [na may alitan] kasi kilala ko si Momshie [Jolina Magdangal]. May mga reasons tayo na dapat irespeto bilang kaibigan. Hindi ako judgmental sa mga kaibigan ko,” sambit niya.
Patuloy pa niya, “Ang importante is that, magkaibigan kami. Ayokong bigyan ng meaning si Jolina kasi siya ‘yun. So, I don’t think na merong problemang personal.”
Alam naman natin na sina Karla, Melai at Jolina ang original hosts ng “Magandang Buhay” hanggang noong 2020.
Ang “Face 2 Face” ay mapapanood na simula May 1.
Tatangkain nitong pag-ayusin at pagbatiin ang mga nag-aaway o nagkakainitang magkapamilya, magkaibigan, mag-partner at magkapitbahay na hindi naaayos sa barangay.
Related Chika:
Amy Austria namasukang ‘kasambahay’ sa edad na 5; teenager pa lang sumabak na sa pagpapaseksi