BTS members nakumpleto para ihatid sa ‘military enlistment’ si j-hope

BTS members nakumpleto para ihatid sa ‘military enlistment’ si j-hope

MULING nagkasama-sama ang BTS members na sina Jung Kook, V, Jimin, SUGA, j-hope, Jin at RM.

Sa pamamagitan ng Twitter, ibinandera ng BTS nitong April 18 ang video na kung saan ay inihatid nila si j-hope sa training center nito na nasa Gangwon Province, South Korea.

Makikita rin ang new-look ni j-hope na nagpa-semi kalbo.

Isa-isa ring nagpa-picture ang mga miyembro sa kanya.

Bukod diyan ay hindi ring nakalimutang magpaalam ni j-hope sa kanyang fans at ipinost pa ito sa kanyang Instagram account.

Ibinahagi niya ang kanyang selfie na naka-military haircut.

Kalakip niyan ay ang ang caption na translated from Korean na, “I’ll have a good trip!”

Baka Bet Mo: BTS member Jimin nag-positive sa COVID, inoperahan din dahil sa acute appendicitis

Magugunitang naglabas ng opisyal na pahayag ang talent agency ng K-Pop group na BigHit Music nitong Abril at ibinalitang nais maging “active duty soldier” ni j-hope.

Pinayuhan din ng agency ang fans na huwag nang pumunta sa enlistment ceremony ng K-Pop idol upang maiwasan ang posibleng aksidente.

At bago pa sumabak sa military training ang Korean idol ay nagpasa siya ng “notice to cancel” para sa kanyang “enlistment postponement” noong Marso.

Ang ibig sabihin niyan, ano mang oras ay posible na siyang ipatawag upang sumabak na sa military service.

Si j-hope ang ikalawang miyembro ng BTS na tumupad ng military enlistment.

Nauna sa kanya ang pinakamatandang miyembro nito na si Jin na nag-umpisa pa noong Disyembre.

Related Chika:

BTS J-Hope tutuparin na ang military service, kinansela ang ‘enlistment postponement’

Read more...