Rita Avila pumalag sa netizen tinawag siyang ‘laos’ at ‘matanda’: Ang karamihan sa Pinoy, masaya kapag nakakatapak ng kapwa

Rita Avila pumalag sa netizen tinawag siyang 'laos' at 'matanda': Ang karamihan sa Pinoy, masaya kapag nakakatapak ng kapwa
INALMAHAN ng aktres na si Rita Avila ang mga tao na tila walang respeto sa mga artistang tulad niya.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang screenshot ng isang ulat patungkol sa nanabunot kay Unkabogable Star Vice Ganda at kung paano nito kalmadong pinagsabihan ang rude couple sa ginawa nito sa kanya.

“Timing ito. I agree with Vice Ganda.
Bakit ba ung iba ay walang pag-galang sa mga artista na naghahanapbuhay ng maayos? Very Pinoy na may crab mentality. Enjoy na enjoy mantapak o mampahiya. Dapat tayo tayo ang nagsusuportahan at nagbibigay galang sa isa’t isa di ba?” saad ni Rita.

Pagpapatuloy pa niya, “ARTISTA – nagtatrabaho tulad nyo. Napapagod tulad nyo. May mga binubuhay tulad nyo. May mga problema tulad nyo. Hindi perpekto tulad nyo. (So don’t hurt us just because…)”

Bukod pa rito ay ibinahagi rin ni Rita ang screenshot ng komento ng isang netizen na diumano’y “fan” niya ngunit sinabihan siyang “laos” at “matanda”.

Sey ng netizen, “Idol po kita lalo leading lady ng mga action star kaya lang po ang tao tumatanda nalalaos at napapalitan ng mas bata. Cycle lang po, paulit-ulit. Walang katapusan.”

Sinagot naman ito ni Rita at sinabing “Ganun ang MINDSET ng mga Pilipino, ang sikat lang sa kanila ay mga bata.”

Aniya, sa ibang bansa raw, hindi uso ang salitang laos at basta may bagay pa ring roles sa mga ito sa mga series o pelikula ay laban pa rin kahit may edad na.

Baka Bet Mo: Banat ni Rita Avila sa nagsabing laos na ang mga artistang Kakampinks: Kayo na ang sikat, ako ay simpleng tao lamang…

“Makita sila o hindi ng mga tao, may PAG-GALANG pa rin sa kanila. Ang karamihan sa PINOY, masaya pag NAKAKATAPAK sa kapwa.

“Feel na feel nila magsabi ng LAOS sa mga artista na nagtatrabaho ng maayos at marangal. Baka MAGULAT KAYO na di lahat ng artista ay gustong maging SIKAT,” sey ni Rita.

Sinabi rin niya na ang ilan ay hindi naman pinangarap na makilala bagkus ginagawa lang ang pag-aartista dahil sa pagmamahal sa kanilang talento at para na rin kumita ng pera.

“May mga artistang gusto lamang
magtrabaho dahil mahal nila ang karera nila.
Ikaw, pinoy na pinoy ka sa iyong pananaw. Siguro pati katrabaho mo tinatapakan mo.
Ikaw sana habang tumatanda ay matuto na maging MAAYOS na tao at Pilipino,” babala pa ni Rita.

Related Chika:
Rita Avila dismayado sa interview ni Boy Abunda kay VP Leni: Parang ayaw mo nang pasagutin…

Rita Avila pinasisingit sa pila ng taga-airport: ‘Pero hindi kami pumayag, mana kami kay Atty. Leni Robredo’

Read more...