Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Yukii Takahashi at Wilbert Ross
GOOD news para sa lahat ng fans and social media supporters ng aktor na si Wilbert Ross! May bago na naman siyang project na hindi n’yo dapat palampasin.
Matapos ang matagumpay na YouTube series na “GVBoys”, “Ang Babae sa Likod ng Face Mask” (pinagbidahan ni Herlene Budol) at ang first TikTok series na “52 Weeks” may bagong pasabog na sorpresa na naman ang Puregold sa madlang pipol.
Ito nga ang kanilang newest digital show na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” pinagbibidahan ni Wilbert. Mapapanood na ang unang episode nito sa darating na April 22.
Yes, patuloy sa paghahatid ng magagandang panoorin ang Puregold Channel ng mga palabas para sa sambayanang Filipino na talaga namang naghi-hit sa iba’t ibang social media platforms, YouTube, at TikTok.
Sa kuwento ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile”, gaganap si Wilbert bilang si Bryce, kasama si Yukii Takahashi as Angge. Siguradong mamahalin at kagigiliwan sila ng mga netizen dahil sa relatable at feel-good story nito.
Kasama rin sa serye sina Kat Galang bilang Genski, Migs Almendras bilang Ketch, Marissa Sanchez bilang Bessie (Bryce’s mom), Star Orjaliza bilang Yaya Aimee, Moi Marcampo bilang Chili Anne (ang may crush kay Bryce), TJ Valderrama bilang Cyrus (Angge’s brother) at Anjo Resurreccion bilang Jerry (Angge’s ex).
Sa Episode 1, mapapanood kung paano i-navigate ni Bryce ang kanyang buhay, ang galing at interes niya sa video-game, at kung paano siya madalas dakdakan ng kanyang inang si Bessie para maghanap ng girlfriend.
Samantalang nagre-recover pa si Angge sa kanyang Toxoplasmosis, isang brain infection na nakaaapekto sa kanyang paggalaw.
Mapapanood din sa unang episode kung paano nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng digital platform na Talkverse.
Ito ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva, na siya ring nasa likod ng matagumpay na Puregold series na “Ang Babae sa Likod ng Face Mask.”
Sa paggamit ng social media bilang vital sa kanyang narrative, “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay tiyak na mamahalin lalo na ng mga GenZ.
Ayon nga kay Puregold Price Club President, Vincent Co, maligaya siyang ibahagi ang seryeng ito sa mga Pinoy, “We are excited to deliver another Puregold Channel original content to our customers and audiences.”
Kaya huwag na huwag kalilimutang tumutok sa pagsisimula ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” sa April 22.