Vilma Santos super enjoy sa pag-aalaga ng apo: ‘It’s really nice to be a lola, ang sarap! Ang ganda-ganda ni Baby Peanut!’

Vilma Santos super enjoy sa pag-aalaga ng apo: 'It's really nice to be a lola, ang sarap! Ang ganda-ganda ni Baby Peanut!'

Vilma Santos, Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut

ENJOY na enjoy ang Star For All Seasons na si Vilma Santos bilang first-time lola lalo na kapag nakakasama at nakakarga niya ang kanyang apo na si Baby Peanut o Baby Isabella Rose.

Ayon kay Ate Vi, ang sarap-sarap daw pala talagang maging lola at ibang-iba ang feeling kapag nakaka-bonding niya ang panganay na anak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“She just turned three months old. Hindi pa namin masyado siyang ine-expose, especially the parents, yung anak ko si Lucky at si Jess.

“When she’s fully-vaccinated ie-expose namin siya, mas makakasama ko siya. Ngayon kasi kapag kasama mo siya, kailangan naka-antigen ka kasi hindi pa siya fully-vaccinated.


“But I’m so excited. It’s really nice to be a lola, ang sarap. Ang ganda-ganda niya, basta maganda siya,” ang masayang chika ng movie icon at award-winning actress nang makachikahan ng BANDERA at iba pang members ng entertainment press sa presscon ng pelikulang “When I Met You In Tokyo.”

Nagbigay din si Ate Vi ng mensahe para sa first-time parents na sina Luis at Jessy, “Alam naman nila, they are both matured. I guess, the most important thing is they should be prepared itong new chapter of their lives kasi iba na kapag may pamilya at may anak ka na.

Baka Bet Mo: Rocco nag-share ng tips sa mga first-time daddy: ‘When duty calls, always be snappy, your wife will appreciate you more for it’

“Yun lang ang nire-remind ko sa kanila. It’s not gonna be easy, mayroon na silang responsibilidad as parents.

“But I told them what’s important is just to make sure your responsibility is your family, yun lang ang importante. Magaling naman sila,” dagdag pang pahayag ng beteranang aktres.


Samantala, natanong din si Ate Vi kung may plano rin si Luis na pasukin din ang politika tulad niya na naging mayor, congressman at governor ng Batangas.

“Si Lucky naman, ever since hinihilingan siyang tumakbo. But one thing I told my son, ‘Son, if you’re not prepared.’ Kasi ang ganda ng career niya, e, di ba? Income niya, let’s face it. ‘Now, if you’re not willing to sacrifice those things like your income, Anak, then don’t,'” ang sabi pa ni Ate Vi.

Paalala pa niya sa anak, “At saka pinag-aaralan yan. Now if you’re prepared, then okay lang, I will support you all the way kasi ibang fulfillment din to become a public servant na walang kamera.

“Ibang fulfilllment din yun na nagtatrabaho ka naman ngayon para sa mga tao, hindi pang-screen.

“Yun ang sinabi ko sa anak ko, ‘If you’re not prepared then don’t. But if you’re prepared, masarap magsilbi sa mga kababayan mo na nagtiwala sa iyo.’ Full support ako basta prepared siya,” lahad pa ng award-winning actress.

Angelica Panganiban ‘duguan’, ‘sugatan’ bilang first-time mom, mas kinabahan kay Kim Chiu

Vilma ‘heaven’ ang feeling bilang lola, Baby Peanut may future agad sa showbiz: ‘Maarte siya, sa posing niya you can tell, artista ‘to!’

Read more...