NAINTINDIHAN na namin kung bakit may post si Julia Montes na “broken heart” sa kanyang Instagram na may petsang “4.18.23”.
Kaninang tanghali inanunsyo ang dream movie project nila ni Alden Richards na ginanap sa B Hotel, Quezon City na may titulong “Five Break-ups and A Romance.”
Kasi nga naman limang beses nahiwalay sa dyowa ang kuwento ng pelikula kaya sobrang sakit no’n, ‘yung isa nga lang na pagkabigo ay masakit na, lima pa kaya?!
Paglalarawan ni Direk Irene Emma Villamor na siyang sumulat ng script at magdidirek ng pelikula, “Tungkol ito sa pag-ibig, tungkol sa break-up pero nakangiti ka pa rin, huwag kayong masyadong magsaksak ng puso ninyo.
“Mapapa-text ka sa ex (dyowa) siguro at (sasabihing) magbalikan na tayo or sige maghiwalay na lang kayo! Puwede rin ito sa mga walang relasyon dahil kung single ka, gusto mo ba talagang pasukin ito or manatiling single ka na lang.
“And this is for all ages, Gen Z, Millennials at kahit hindi na dahil kuwento naman ito tungkol sa hirap at sarap ng may kasama ka,” kuwento ni direk Irene.
Nakakadalawang shooting days na sina Alden at Julia at sobrang kumportable nilang dalawa at inaming bago sila humarap sa kamera ay nagkaroon sila ng dalawang araw na bonding para makilala nila ang isa’t isa.
Sabi ni Julia, “Big thing kasi sa akin ‘yung co-actor na kailangan komportable ako. Kasi hindi mo madadaya ‘yung connection.
“I mean yung characters naman po, sometimes hindi talaga kami yun. Malayo sa real personality namin. Pero yung connection, yun yung kailangan mo talagang i-build prior.
“But in the Philippines, wala naman tayong luxury ng time to have that yung bonding prior to shoots. So yung sa amin, yun talaga.
“Nu’ng first pa lang, komportable na kami. Yung parang ako as hindi nga Julia, e, yung Mara, yung real na ako… wala! Pinakita ko lang. I mean, kuwentuhan.
“Tapos komportable lang. ‘Yun ang na-appreciate ko, and nakita ko talaga siya kung paano siya in real life. Yun ang na-appreciate ko. And hindi naman lahat ng tao kasi, nakikita yung real side ng tao. And nakita ko yun kay Alden,” aniya pa.
At inamin din naman ng aktres na noong hindi pa sila nagkakakilala ng aktor ay pinapanood na niya ito at ang latest nga raw ay ang “The World Between Us.”
Baka Bet Mo: Cristy Fermin dinepensahan si Alden Richards sa mga fans ng KathNiel: Huwag n’yong kawawain!
Aniya, “Ikinuwento ko nga sa kanya (Alden), pero before pa napapanood ko naman talaga na siya. Kaya nga nu’ng banggitin na gagawa kami ng project sagot ko talaga, ‘seryoso ako talaga?
“Kasi may feeling ako na siyempre nabi-bless tayo ng mga projects pero hindi ko ini-expect na mangyayari itong team up na ito,” aniya pa.
Para kay Alden, “Ang maganda rin kay Juls, before we started one time, big time, di ba, Direk, nagkaroon tayo ng script-reading and exercises, etcetera.
“Actually hindi nga, it’s not more of the movie, but more of our personal relationship together. Which is maganda rin.
“Kasi sa history ko, sa tagal ko sa showbiz, ganu’n kasi, e. Parang may common routine na tayo when we do our projects.
“Andiyan ‘yung storycon tapos may workshop kayo. But ang maganda kasi sa nangyari sa amin, and I think it’s a very good thing, na hopefully maganda rin siyang simulan with future projects ng ibang mga producers and mga actors.
“Before anything else, we should work on the relationship of the co-stars more than anything else.
“Because that’s the foundation of the whole project. Kumbaga, du’n nag-i-start yun, e.
“Kasi, di ba, pag storycon, siyempre you just hear about the project. It’s relevant also, but what I’m really trying to say is yung relationship ng mga tao na magtatrabaho with that project, yun kasi ang magma-manifest on screen.
“So that will really speak a lot of the project. So, si Juls kasi, in-orient na niya ako. Which is na-appreciate ko.
“Kasi minsan, di ba, ang hirap nu’ng nangangapa ka? And especially it’s our first time together, isa sa mga na-appreciate ko kay Julia ‘yung tapang.
“She’s a really brave woman. And parang (sabi niya), ‘This is me. So will you accept me, will you not accept me?’ And parang she’s very genuine in a way na binigyan din niya ako ng comfort in that way. So ganu’n siyang klaseng tao,” pahayag pa niya.
Ang “5 Break-ups and A Romance” ay produced ng GMA Pictures,CS Studios and MYRIAD (Alden’s Production Company).
Dumalo sa nasabing media announcement sina GMA Pictures President Atty Annette Gozon – Valdes, GMA VP for Program Joey Abacan, Cornerstone Entertainment Inc. President and CEO Erickson Raymundo, CS VP Jeff Vadillo at Former Starcinema Managing Director Ms Malou N. Santos.