Vice Ganda sinabunutan ng isa sa audience sa concert sa Canada, kalmadong nangaral: Don’t do that!

Vice Ganda sinabunutan ng isa sa audience sa concert sa Canada, kalmadong nangaral: Don't do that!

MARAMI sa mga netizens ang hindi natuwa sa ginawa ng magdyowa na nanood sa concert ng Unkabogable Star na si Vice Ganda.

Ito ay may kinalaman sa diumano’y pagsabunot sa kanya habang naglalakad papuntang audience.

Viral kasi sa TikTok ngayon ang video kung saan makikitang tila hinablot ang suot suot na wig ni Vice.

Talagang nagulat naman ang komedyante lalo na at wig lang ito at kung matatanggal ito ay maaari agad na mag-viral lalo na’t for sure ay maraming kakalat na larawan na kuha sakaling mawala ang pagkakadikit nito.

“Don’t do that, don’t do that. That’s very disrespectful. You don’t do that. You have to say sorry to me,” saad ni Vice.

Pagpapatuloy niya, “Don’t do that, that’s very rude. Yah, I’m trying to give you a wonderful time but you took hurt me.

Baka Bet Mo: Senior citizen na may karamdaman napaligaya ni Vice; Francine vlogger na rin

“That’s not right. We want to be friends here. Don’t hurt me, di ba.”

Nalungkot naman ang madlang pipol lalo na nang sabihan ni Vice na bastos ang lalaki at napag-alaman pa nitong dyowa ang kasamang babae.

“This guy is very rude! So who was it? Both of you are very rude,” sey niya.

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng komento sa mga viral videos ni Vice sa TikTok.

“Ansakit nman kasi nun.. Nakadikit yun.. Mabait pa nga sya nung nagsalita eh.. Pero masakit yun.. Wag ganun,” comment ng isa.

Saad naman ng isa, “the point is hindi naman sa ayaw ni vice na mahawakan hair nya, its just that masakit ang hilahin ang wig lalo na kung nakadikit.”

“eh kasi naman sinasabi niya na yan sa showtime galawin mo na lahat wag daw ang buhok haha,” chika ng isa.

Kasalukuyan namang nasa concert tour si Vice Ganda na pinamagatang “VGful Tour” sa Canada at US.

Matapos naman ang insidente ay tuloy-tuloy na ang saya ng madlang pipol ba present sa concert ng komedyante.

Related Chika:
Vice: Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ‘ko o kung magaling pa ba ‘ko!

Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda

Vice Ganda binigyan ng powers ng ABS-CBN para patakbuhin ang ‘It’s Showtime’

Read more...