HANDA ang Queen of All Media na si Kris Aquino na gumawa ng legal na hakbang matapos madawit ang pangalan sa kumakalat na “miracle food” fake ad.
Ang naturang miracle food raw ay mga mixed nuts na sinasabing nakakatulonf upang gumaling ang mga malalang sakit gaya ng cancer, obesity, at diabetes.
Sa isang Instagram comment ay ipinaabot ng aktres ang kanyang pagkadismaya dahil sa pagkakagamit ng kanyang pangalan nang sagutin niya ang komento ni Atty. Enrique V. Dela Cruz Jr. na “We will continue to pray for your speedy recovery Ms. Kris! Keep the faith!” sey ng abogado.
Sagot naman ng Queen of All Media, “Atty. Ricky, I hope the post about me [and] this ‘miracle’ whatever food has been taken down because sobrang hindi totoo. Until now i’m unable to really eat food, it’s still milk and more milk for me… NEVER ako na diagnose as having cancer. And most of the nuts shown in the pictures, I am ALLERGIC to [them].”
Siniguro naman ni Atty. Ricky kay Kris na inaayos na ito ng kanilang opisina at nagpadala na sila ng demand letter para i-take down pekeng advertisement na gumagamit ng kanyang pangalan na kasalukuyang kumakalat sa social media.
Baka Bet Mo: ‘Pagpanaw’ ni Kris Aquino fake news, tuloy ang pagpapagamot sa US
Ayon naman sa nakuhang kopya ng demand letter ng INQUIRER.net na ini-release noong March 21 na nakapangalan kina Dr. Willie Ong at sa asawa nitong si Dr. Liza Ong kalakip ang screenshot ng pekeng ad na ibinahagi nila sa kanilang Facebook page.
“Ms. Kris Aquino is an actress, endorser, and producer, who has been active in the Philippine show business industry for over three decades. Her name and image is a brand in itself which is protected by our laws from unauthorized use or misappropriation,” ayon sa pahayag ng kampo ng TV host-actress.
Hiniling rin ng mga abogado ng ina nina Kuya Josh at Bimb na itigil ng mag-asawa g doktor ang paggamit ng kanyang pangalan at imahe sa kanilang mga social media posts at tanggalin ang mga posts nito na may kinalaman sa kanya dahil kung hindi ay handa silang gumawa ng legal na aksyon ukol rito.
“We further demand that you remove all the above-mentioned posts and other similar posts from your Facebook page or other social media platforms within five days from your receipt of this letter. Otherwise, we shall be constrained to file the necessary legal action against you to fully protect our client’s interest,” ayon sa nilalaman ng demand letter na ipinadala ng kampo ni Kris.
Ngunit kung titignang maigi ang mga fake ads ay tila hindi ito ang official page o and mismong account ng mag-asawanv doktor.
Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag o paglilinaw ng kampo nina Dr. Willie at Dr. Liza Ong hinggil sa isyung ito.
Related Chika:
Kris pinagbawalan ng mga doktor na gumamit ng socmed kaya dedma sa mga pelikula tungkol sa amang si Ninoy Aquino