Billy Crawford may pinatatamaan nga ba sa farewell post sa ‘Tropang LOL’?

Billy Crawford may pinatatamaan nga ba sa farewell post sa 'Tropang LOL'?
TRENDING ngayon ang farewell message ng isa sa mga hosts ng “Tropang LOL” na si Billy Crawford kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang noontime program.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang tribute at pasasalamat sa lahat ng mga nakatrabaho at nakasama niya lalo na kay Albee Benitez na producer ng kanilang programa.

“Super fun while it lasted! This show gave so many opportunities to people who had lost their jobs at a vulnerable time. 2.5 years ain’t that bad, especially during the pandemic season and a time of uncertainty in our industry,” saad ni Billy.

“@albeebenitez thank you for giving us this venue to work for our families while having fun and being free, and also opening doors for others,” pagpapatuloy niya.

Chika pa ni Billy, mami-miss niya daw ang atmosphere sa kanilang show na “genuinely light, friendly, uplifting for everyone”.

Dagdag pa niya, bawat isa raw sa kanilang feam ay talaga namang nagtrabaho ng matiwasay.

Ngunit ang mga sumunod na sinabi ni Billy ang pumukaw ng atensyon ng mga netizens.

“No drama, no divas, no pulling anyone down. Walang naka-angat, at walang nagmamaliit. But as I said, good things sometimes come to an end. I just pray that, one day, God will be able to give us a new home to continue what we have started.

Baka Bet Mo: Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

“But as I said, good things sometimes come to an end. I just pray that, one day, God will be able to give us a new home to continue what we have started. But Father, Your will be done in Jesus’s name. No matter what happens, the relationship built on this show will be cherished forever.

“Lots of tears on the last day of taping, but also lots of freaking laughter cause that’s just who we are. #TroplangLol 🙏 thank you to everyone who watched and supported us since the beginning. To all my co-workers, it’s not goodbye, it’s see you soon. Love you all, Tropang LoL!” lahad pa ni Billy.

May mga netizens kasi na nagsasabing mukhang pinatatamaan nito ang “It’s Showtime” na dati niyang programa.

“Would have been better if wala nang parinig sa goodbye letter. Noon time shows are extremely hard to sustain, look what happened to tropang LOL. I have big respect to eat bulaga and it’s showtime,” comment ng isang netizen sa post ni Billy.

Sey naman ng isa, “yan kasi mahirap sa inyu! you keep on shouting God’s name yet maypaparinig na nagaganap! ‘no diva and no namamaliit’ is obviously a parinig at wag ka ng magkaila. .. kung ako c God deadma ko yan hiling mo… amaccana.”

Samantala, kapansin-pansin naman na in-edit naman ni Billy ang kanyang caption sa post at tinanggal ang malisyosong pahayag.

Related Chika:
Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

‘LOL’ nina Billy at Alex sa TV5 tinatalo sa ratings game ang ‘Showtime’ nina Vice

 

Read more...