Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?

Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?

MARAMI sa mga netizens ang nagpapayo sa beauty queen-comedienne na si Herlene Budol na layasan na ang talent manager nitong si Wilbert Tolentino.

Ito ay may kinalaman sa urong sulong na desisyon ng dalaga na sumali sa isang national beauty pageant.

Usap-usapan kasi ngayon ang tila pagsali ulit ni Herlene sa Miss Grand Philippines na kamakailan lang ay nagbukas ng aplikasyon.

“Kahit undecided tlga ako dahil sa trauma ko sa Uganda. Araw araw parin ako kinoconvince ni @sirwil75 para mag join [sa Miss Grand Philippines].

“Grabe yung tiwala nya sa akin to the highest level. Thank you sa inyo ni Ate @madaminutz20. love u both,” pagbabahagi ni Herlene.

Marami sa mga netizens ang napataas ang kilay dahil tila walang sariling desisyon ang dalaga kung ano nga ba ang gusto nito sa buhay.

“Baka pine-pressure ka lang? Decide ka kung anong gusto mo talaga,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “We want your genuine decision Ms. Herlene and we your fans expecting you to compete kasi sinabi mo na sa national TV so please.”

“That means, you can’t decide on your own. You should follow your heart. Whatever it is, we’re here to support,” hirit naman ng isa.

Baka Bet Mo: Wilbert Tolentino may hugot sa mga ‘user’ at ‘pa-victim’, patama kay Zeinab Harake?

Dagdag naman ng isa, “Amaccana. Decide on your own. Iwanan mo na si Wilbert.”

Bukod pa rito ay marami rin ang nagtatanong kay Herlene kung bakit absent ito sa mga ganap ng Binibining Pilipinas.

“Hi Herlene,bakit di ka Kasama sa mga ganap ng BBP? we hope to see you there bago ka mag MGI,” sey ng isang netizen.

“@herlene_budol, Bakit Wala Ikaw or kayo press release or mga sagot sa mga nagtatanong sa iyo about the BBP?! I’m pretty sure, alam nyo yan ni @sirwil75 but then you’re opting not to answer. I think and know so that your followers/supporters would appreciate if sasagutin nyo na Yun napakasimpleng tanong na ito that’s been circulating. Once and for all, what’s the real score?!” talak naman ng isa.

Sa kabila ng mga pagkwestiyon kay Herlene ay marami pa rin naman ang nagpapakita ng suporta sa dalaga.

“I’m rooting for u. Please join Miss Grand Philippines. laban lang,” saad ng isang netizen.

“Go go Herlene dito Lang kami taga suporta mo, try and try wala naman mawawa sayo bagus madagdagan ang experience mo sa buhay… yong iba nga naka ilang try sila ni Pia and Catriona naka Ilan beses sila sumali ikaw isa palang so kaya mo yan ikaw pa,” sabi naman ng isa.

you deserve to be a queen miss [Herlene] Nicole you such very nice gurl, your physical appearance was totally game for the pageantry your looks,your beauty was impressive it but it’s little brainy but miss Nicole try and try to get it the crown to achieve your goal ..I’m your number 1 fan.”

Related Chika:
Wilbert Tolentino pumalag sa blind item tungkol kay Herlene Budol: Obligasyon kong protektahan siya

Ogie Diaz tumanggi sa bayad ni Wilbert Tolentino nang makipag-collab sa kanya: I-donate mo na lang

Read more...