2-anyos na anak ni Jhong Hilario kering-keri nang kantahin ang ‘Moon River’: ‘Nakaka-GV ka talaga, Baby Sarina!’

2-anyos na anak ni Jhong Hilario kering-keri nang kantahin ang 'Moon River': 'Nakaka-GV ka talaga, Baby Sarina!'

Maia Azores, Jhong Hilario at Sarina

TUWANG-TUWA ang Instagram followers ng “It’s Showtime” host na si Jhong Hilario dahil sa kanyang anak na si Sarina.

Who wouldn’t, eh, kinanta lang naman niya ang isang classic song, to think na she’s only two years old.

“Another astonishing performance of @sarinahilario singing ‘Moon River’ with Cookie Monster.”

That was Jhong’s caption sa short video niya which showed Sarina singing “Moon River”.


Of course, ang daming na-impress na naman sa talent ng anak ni Jhong. Nagkakaisa ang IG followers niya na super talented and one of a kind ang kanyang unica hija.

“Buti pa si Sarina alam kantahin ang Moon River, ako di ko alam.”

“Wow! Sari, you are such a ball of sunshine and so smart.”

“Talented little cutie.”

Baka Bet Mo: Zeinab Harake iyak nang iyak: Nagburol ako ng baby, nilibing yung anak ko, mag-isa lang ako lahat…

“Galing mo kanta sarina Pogi mo jhong Hilario.”

“Ang talas talaga ng memorya ni baby @sarinahilario .Sa ganyang edad ang daming alam na awit at ang bilis na memorized. At mahilig talaga syang umawit.”

“Sarina is so cute and smart.”

“Grabee sari. Favorite ko yan.”


“NakakaGV ka talaga, Baby Sarina. Happy Sunday!”

“Nakakagoodvibes Naman Ang anak mo Kuya jhong, Ang cute smart baby.”

“Super cute talaga sarina. aliw na aliw ako kapag kumakanta siya. lagi ako nag aantay ng video nya.”

Hindi lang ang pag-awit ng “Moon River” ang alam ni Sarina. She can also sing “Do Re Mi”.

Ang isa pa niyang talent ay ang pagbati sa Japanese. Kuhang-kuha niya ang agad ang itinuturo ni Jhong sa kanya. Marunong din siyang sumayaw.

When her mom played with her an animal game through photos, nahulaan lahat ni Sarina ang lahat ng animals na ipinakita ng kanyang mother. Ganyan siya ka-talented kaya naman aliw na aliw ang followers ni Jhong sa kanya.

Naku, with that, hindi kami magtataka kung one of these days ay i-guest si Sari sa “It’s Showtime”. Bagay na bagay siya sa “Isip Bata” segment ng noontime show.

JC Santos iniligtas ng baby sa panahon ng pandemya: Kung wala siya, baka nabaliw na ‘ko

Jhong Hilario natalisod pero hindi halata, tumabling at nagpatuloy sa pangangampanya

Read more...