Zeinab Harake iyak nang iyak: Nagburol ako ng baby, nilibing yung anak ko, mag-isa lang ako lahat... | Bandera

Zeinab Harake iyak nang iyak: Nagburol ako ng baby, nilibing yung anak ko, mag-isa lang ako lahat…

Ervin Santiago |May 15,2022
facebook
share this

Zeinab Harake iyak nang iyak: Nagburol ako ng baby, nilibing yung anak ko, mag-isa lang ako lahat…

Ervin Santiago - May 15, 2022 - 11:04 AM

Zeinab Harake at Baby Bia

PINAIYAK ng sikat na vlogger at social media influencer na si Zeinab Harake ang mga netizen, kabilang na ang mga nanay sa mga bago niyang rebelasyon tungkol sa anak niyang si Baby Moon.

Sa pamamagita ng Twitter, ibinahagi ni Zeinab nitong nagdaang buwan ang malungkot na balita na nakunan siya sa ikalawa sanang anak nila ng rapper na si Skusta Clee.

“My baby boy rest kana mahal na mahal ka namin ni ate bia mo bantayan at palakasin mo kami palagi di ka mawawala sa puso namin moon. be our forever angel mommy loves you so much,” aniya sa kanyang tweet.

Sa vlog ni Toni Gonzaga sa YouTube, binalikan ni Zeinab ang makadurog-pusong pagluluksa niya sa pagkawala ni Baby Moon kasabay ng breakup nila ng kanyang partner na si Skusta Clee o Daryl Borja Ruiz na isa sa mga miyembro ng Ex-Batallion.

Kuwento ni Zeinab, “Nawala baby ko, yung pangalawa, si Moon…ang sabi kasi ng doctor noon, hindi na kinaya ng katawan ko. Lumalaban yung bata, e. Four months, baby boy.

“Buhay siya nu’ng lumabas, so sabi ng doctor lumalaban yung baby. Kaya lang yung anakan ko daw ba, bumuka na. Nakunan ako,” pag-alala ng celebrity vlogger.

At dito na siya tuluyang napaiyak, “Nagburol ako ng baby ko, nilibing yung baby ko, mag-isa lang lahat ako.”

Feeling ni Zeinab, na may isa pang anak na nagngangalang Bia, parang literal na gumuho ang kanyang mundo ng mga oras na yun.

“Nu’ng nawala si Moon, sabi ko nu’ng tapos na ang misa ni Moon, pag-iyak ko nang sobra, siguro mga one hour ako umiyak nang malakas na malakas. Sumisigaw.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


“Sabi ko, after noon, hindi na ako iiyak nang ganito. Kung iiyak ako, yung tahimik na lang tapos sandali na lang kasi may Bia. Kawawa talaga si Bia. Si Bia yung pinakanaapektuhan alam ko, pero ako rin, naaawa na ako sa sarili ko,” lahad pa niya.

Sa isang bahagi ng video, naibahagi rin ni Zeinab na talagang biglang nagbago ang mundo niya nang isilang ang panganay niyang si Baby Bia noong April 28, 2021.

“Basta feeling ko, mula nu’ng lumabas si Bia, ibang mundo na ginagalawan ko. Ibang-iba na.

“Kasi nu’ng buntis ako, akala ko dalaga pa rin ako, e. Nasa loob lang kasi siya ng tiyan ko, e. Pero nu’ng nahawakan ko siya, sabi ko, ‘Hindi, ito na ang buhay mo. Hindi na yung buhay mo dati yung buhay mo,'” dagdag pang pahayag ni Zeinab.

Pag-amin pa niya, talagang mag-isa lang siya noong ipinagbubuntis si Baby Moon at mag-isa pa rin siya habang ipinagluluksa ang nawalang anak.

“Kung ano mga sh*t mo, itago mo na lang iyan sa camera kung saan ka. Kaya medyo nagle-lay low ako sa YouTube.

“‘Tapos natakot ako kasi feeling ko hindi ko magagawa na wala si Moon, wala na kami nu’ng tatay habang buntis ako. Two weeks lang, sabi ko, ‘Sige, Zeb. Itong two weeks na ito, i-ano mo ito, iiyak mo ito, ibaliw-baliw mo lang ito sa kuwarto.

“Magpagaling ka. Gawin mo lahat para maging okay ka, tapos ayos ka na kasi magbi-birthday yung anak mo. Kailangan ka nito,” sabi pa ng vlogger.

Talagang kinaya rin daw niya ang pag-organize ng 1st birthday party at binyag ni Bia, “Natatakot talaga ako noon na, kasi hindi natuloy yung binyag niya. Kasabay dapat iyon.

“Kumbaga may problem lang, nangyayari sa akin ba, personally na pati mental health ko, sobrang sunud-sunod na yung stress na hindi ko naman nilalabas sa tao kasi mas pinipili ko, ito na yung mga sign,” dugtong pang pagbabalik-tanaw ni Zeinab.

“Kaya nu’ng birthday ni Bia, ganoon yung emosyon ko kasi sobrang saya ko. Nagawa ko after two weeks.

“Kaya ganoon yung emosyon ko kasi ang saya-saya ko, nabigay ko sa kanya yung birthday niya. Ito yung nanay niya, e.

“Ako, gusto ko iyong pinaka-perfect para sa kanya. Hindi naman para sa akin, para sa kanya na lang magawa ko,” paglalahad pa ng kontrobersyal na vlogger.

https://bandera.inquirer.net/312030/skusta-clee-sa-anak-nila-ni-zeinab-harake-pinakamagandang-butterfly-ng-buhay-ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/313017/zeinab-harake-sa-paghihiwalay-nila-ni-skusta-clee-buntis-ako-niloloko-na-pala-niya-ako-kapag-naaalala-ko-nandidiri-ako-sa-sarili-ko
https://bandera.inquirer.net/283602/zeinab-harake-inaatake-ng-postpartum-depression-iyak-ako-nang-iyak-nai-stress-ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending