Hirit ni Pamu Pamorada matapos manganak: ‘Sorry hindi ko na-achieve yung Jessy Mendiola giving birth beauty’

Hirit ni Pamu Pamorada matapos manganak: 'Sorry hindi ko na-achieve yung Jessy Mendiola giving birth beauty'

Pamu Pamorada at ang bagong slang niyang anak

NAPAKARAMING natuwa at nag-congratulate sa character actress at former “Pinoy Big Brother” housemate na si Pamu Pamorada matapos niyang ipakilala sa madlang pipol ang bagong nilang niyang anak.

Ibinahagi agad ni Pamu sa kanyang mga kapamilya, mga kaibigan at social media followers na naging maayos naman ang kanyang panganganak sa tulong na rin  ng kanyang mga doktor.

Aminado ang Kapamilya actress na hindi naging madali ang kanyang pregnancy journey bilang first time mom. Sabi ni Pamu, talagang ipinagdasal pa ng kanyang pamilya na makatagpo ng OB-gyn na siyang magpapaanak sa kanya.


Nagkuwento si Pamu sa pamamagitan ng Instagram kung anu-ano ang mga pinagdaanan niya bago maisilang ang anak nila ng kanyang fiancé na si Mitchell Hapin.

“Hello world meet my baby girl. Yes po, sa lahat po ng nag tatanong na nganak na po ako. So much joy and grateful heart na safe naming nalabas si baby with the help of our OB doctor @bevferrer79 thanks doc,” panimulang chika ni Pamu.

Hirit pa niya, “Hahaha! Sorry di ko na achieved yung Jessy Mendiola giving birth beauty.”

Baka Bet Mo: ‘2 Good 2 Be True’ actress Pamu Pamorada engaged na sa dyowang chef: ‘Sasabay lang po ako sa bagyo…’

Sey ni Pamu, ipinag-pray nila na sana’y makahanap sila ng isang doktor na makapagbibigay sa kanya ng kapanatagan ng kalooban kapag manganganak na siya.

“Sige mag start na akong mag kwento mejo mahaba lang to. Feb 2023 nag pray ako na Lord please makahanap kami ng OB na feel safe ang magiging pakiramdam ko yung magaan sa pakiramdam everytime nag papacheck up kami.

“And then sa FB account ko nakita ko ‘yung page ni doc bev, ang dami nyang magagandang post about pregnancy and giving birth advices kaya naman ‘yun pa lang answered prayers agad,” pagbabahagi ng aktres.


“Tapos di na ako mapakali nag msg na ako sa kanya sa IG,FB,Tiktok page nya para reach out sya, lumipas ang ilang mga araw walang response si doc almost pa 8 months na ako pray ulit ako na sana mag reply sya and then yung friend pala ng kapatid ng husband ko kilala nila si doc bev dahil patient din sila ni doc kaya na connect nila ako with doc bev,” lahad ni Pamu.

Hindi naman siya nagkamali sa pagpili sa kanyang doktor na super hands-on sa kanyang delivery, “What a journey diba hahaha struggle is real hindi alam ni doc bev ‘yan kasi di ko pa nakwento sa kanya.

“Sobrang grateful ako na maging OB ko sya dahil i feel safe kami ni baby. Everything from my concerns to birthplan etc. super hands on and chill ni doc wala akong kabang naramdaman dahil well explained lahat ng mga tanong ko and ‘yung mga bagay na di ko alam.

“Basta ang masasabi ko maikli man yung panahon na inalagaan ako ni doc satisfied patient nya ako,” sabi ng aktres na na-survive ang kanyang unmedicated vaginal birth.

“And BTW guys grabe si Doc bev ginawa nya akong wonder woman amazing kasi na gulat lang din ako na kaya ko pala mag unmedicated vaginal birth. feeling ko at that time nag super saiyan ako habang na nganganak,” sey ni Pamu.

Pagpapatuloy pa niya, “Promise mahaba pa to. Post ko din ‘yung videos ko preparations nung nag lalabor na ako. Mga natutunan namin ng husband ko during BirthClass si doc bev din nag encouraged sa amin na mag class and all i can say is super helpful yung mga natutunan namin.”

Elisse Joson nagger nga ba kaya hiniwalayan ni McCoy de Leon?

Bianca King ayaw pang malaman ang gender ng magiging baby; hindi pa rin nakakapili ng pangalan

Read more...