Kris Bernal ibinandera ang ‘first workout’ mula nang mabuntis: Nakakapanibago, parang hindi ako ‘to!

Kris Bernal ibinandera ang ‘first workout’ mula nang mabuntis: Nakakapanibago, parang hindi ako 'to!

PHOTO: Instagram/@krisbernal

TUWANG-TUWA ang soon-to-be mom na si Kris Bernal dahil nakakapag-workout na ulit siya matapos ang limang buwan.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Kris ang edited video ng kanyang exercise routine sa gym.

Ayon pa sa kanya, nagagawa na niya ito dahil hindi na siya nakakaramdam ng tinatawag na “early pregnancy symptoms,” gaya ng pagsusuka at sakit ng ulo.

Caption pa niya sa IG post, “MY VERY FIRST WORKOUT in 5 months or since becoming pregnant.”

“I can now manage to perform a low impact exercise now that the majority of my early pregnancy symptoms have started to clear up!,” patuloy niya.

Nakwento pa niya na naninibago siya ngayon, lalo na’t nararamdaman niya talaga ang pagbigat ng kanyang katawan.

“If you’ve been following me for a while, you know that I am a beast at the gym accustomed to heavy lifting and intense workouts.” sey niya.

Baka Bet Mo: Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Aniya pa, “Body weight seems to have doubled and I could only manage a few repetitions. Nakakapanibago, parang hindi ako ‘to [laughing emoji] Lolsss!”

Nilinaw rin niya na bumalik siya sa pagwoworkout hindi para magpapayat, kundi para paghandaan ang kanyang panganganak.

“This is me trying to workout during pregnancy, not to lose the weight gain, but to prepare myself for labor and for life,” lahad niya sa post.

Maraming netizens naman ang napa-comment at napansin ang pagiging “blooming” ng aktres.

Narito ang ilan sa aming nabasa:

“Tingin ko baby girl yan kasi iba ‘yung aura ng mukha niya mas maganda siya.”

“Lalo ka gumanda Ms. Kris dahil medyo tumaba ‘yung mukha mo!!”

“Still pretty and ang petite mo pa din. Ok lang yan. With your frame parang mabilis ka lang magbounce back. Basta healthy kayo ni baby [red heart emoji].”

Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.

Sinabi pa ng aktres na mapalad sila dahil pinagkalooban sila ng biyaya ng Panginoon.

Related Chika:

Max Collins bonggang workout ang panlaban sa anxiety; Mikee Quintos buena-mano sa GMA Playlist

Read more...