Sue Ramirez hiwalay na ba sa dyowa, cryptic post usap-usapan? | Bandera

Sue Ramirez hiwalay na ba sa dyowa, cryptic post usap-usapan?

Therese Arceo |April 16,2023
facebook
share this

Sue Ramirez hiwalay na ba sa dyowa, cryptic post usap-usapan?

Therese Arceo - April 16, 2023 - 12:46 AM

Sue Ramirez hiwalay na ba sa dyowa, cryptic post usap-usapan?

CURIOUS ang madlang pipol kung ano na nga ba estado ng relasyon ng aktres na si Sue Ramirez at ng boyfriend nitong si Mayor Javi Benitez.

Ito ay matapos ibahagi ng aktres sa kanyang Instagram story ang isang photo quote card.

“You deserve someone who is sure about you,” saad sa ibinahagi ni Sue.

Wala namang ibang sinabi ang aktres kung anong ang kanyang pinagdaraanan.

Umani naman ito ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens ang post ni Sue kung ito ba ay may kinalaman sa trabaho, sa personal nitong buhay, o sa love life nito.

“Hindi naman siguro mag po post ng cryptic kung wala lang dba! Sayang naman if may problema sila pero mahirap rin makipag relasyon sa politicians para rin silang artista e,kung sino sinu ang na memeet pero may mga politicians rin naman na stick to One,” comment ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Pinag ooverthink mo na nman kaming mga marites Sue..”

“Di ba pwedeng hindi ito personal niya kungdi as a general statement lng? Di ba pag may makita tayong quotable quotes naiishare natin kahit di ito meant sa sarili natin?” hirit naman ng isa.

Baka Bet Mo: Sue Ramirez umaasang si Javi Benitez na ang the one: Kapag nag-love ako, love ko talaga…sana siya na!

Pero kamakailan lang nang ibinandera ni Victorias City Mayor Javi ang kanilang larawan kasama ang aktres.

“Drying off in style with my poncho towel buddy,” saad ni Mayor Javi kung saan naka-tag rin si Sue.

Kaya naman marahil ay wala namang kinalaman ito sa kanyang love life dahil mukhang happily inlove ito.

Bukod pa rito ay trending rin si Sue matapos nitong painitin ang sexy photos nito na nakasuot ng two-piece.

“Why you’re so [fire emoji] argh! I love it,” comment ng isang netizen.

Sey pa ng isa, “Sexy mo nman Inday Sue.”

“My Girl Crush.. so Pretty and sexy biii,” chika naman ng isa.

Sa ngayon ay mapapanood si Sue sa Kapamilya teleserye na “The Iron Heart” na pinagbibidahan nila ni Richard Gutierrez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Sue Ramirez hindi pa handang magpakasal: Papunta pa lang tayo sa exciting part, guys! So I say, go, go, go!

Sue Ramirez handa na nga bang lumagay sa tahimik kasama ang dyowa?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending