Hugot ni Sue Ramirez: Kailangang ingatan ang puso natin and I will always use my iron heart all the time... | Bandera

Hugot ni Sue Ramirez: Kailangang ingatan ang puso natin and I will always use my iron heart all the time…

Reggee Bonoan - November 06, 2022 - 04:53 PM

Hugot ni Sue Ramirez: Kailangan nating ingatan ang puso natin and I will always use my iron heart all the time...

Richard Gutierrez, Maja Salvador at Sue Ramirez (Photos: Team Kapamilya FB)

BILANG isa sa leading lady ni Richard Gutierrez sa ABS-CBN series na “The Iron Heart”, natanong si Sue Ramirez kung paano nila ipinakikita at ginagamit ang kanilang “mala-bakal” na puso.

Sagot ng dalaga, “I flex my heart all the time. Ang iron heart I think ay hindi something na pinatatag ng panahon, something din na kailangang ingatan kasi ang iron nagde-develop ng kalawang.

“So, we also have to take care of what we build, so, ‘yung puso na matibay binuo natin ‘yun sa sarili natin. Kailangan natin siyang ingatan and I will always use my iron heart all the time,” paliwanag ni Sue.

Samantala, sa katatapos na series ni Sue na “The Broken Marriage Vow” ay umingay nang husto ang pangalan niya at pinuri ng lahat sa napakahusay niyang pagganap kaya naman natanong din ang aktres kung posibleng mabura sa mga nakapanood ng “TBMV” ang ginampanan niyang karakter dahil sa bago nitong role sa “Iron Heart.”

Base kasi sa trailer ay kakaiba ang karakter na gagampanan ni Sue, “Ako po, I would like to say that I have no intention in erasing whatever I did in the past because it’s a part of me now and a part of who I am.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles)


“But definitely I will give them something new, we will give them something new and something to watch out na aabangan po nila na something na mae-excite silang panoorin.

“I have no intention of erasing but I have the intention of adding to the list of good roles that I have been doing for the couple of years,” nakangiting sagot ni Sue.

Anyway, gagampanan ng aktres ang karakter na Venus, “Isa po akong con artist na napaka-complex ng character kaya sobrang excited po akong i-portray ito kaya maraming salamat po Star Creatives.

“Naalala ko nu’ng pinitch sa akin ang role na ito dahil hindi ako makapaniwala na sinabi pa talaga ni Tyang Des (Tanwangco, business unit head) na ‘marami nang pinagdaanan ang script na ito at we’re very happy na ikaw ‘yung napili.’ Ako rin po ay napakasaya at napaka-grateful po para sa tiwalang ibinigay ninyo sa aming lahat.

“Si Venus ay raketera at malalim ang hugot niya kasi iniwan siya ng nanay niya at lumaki na kasama lang ang tatay niya at merong isang unfortunate event na nangyari sa tatay niya at kinailangang tatagan ang sarili at kailangan niyang mabuhay ng mag-isa at naghahanap siya ng pamilya.

“At dahil raketera at con artist napasok sa isang bagay na gusto rin namang talikuran pero kapit sa patalim kaya hirap. Eventually na-develop kay Apollo (Richard) kaya excited ako na makatrabaho lahat.”

Mapapanood na ang “The Iron Heart” sa Nobyembre 14 sa Kapamilya channel mula sa direksyon nina Lester Pimentel Ong at Richard Arellano.

Kasama dito sina Maja Salvador, Jake Cuenca, Albert Martinez, Al Tantay, Diether Ocampo, Karina Bautista, Enzo Pineda, Sofia Andres, Pepe Herrera, Roi Vinzon, Victor Silayan, Kyle Echarri (batang Richard), Dimples Romana, Althea Ruedas at Baron Geisler.

Richard Gutierrez muling patutunayan ang pagiging action hero sa ‘Iron Heart’: Malayo ito sa naging role ko sa ‘Probinsyano’

Maja hindi na nag-inarte nang alukin ng ‘special participation’ sa bagong serye ni Richard sa ABS-CBN: Payag agad-agad!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sue Ramirez inalala ang pagkakasakit ng ama: Daddy’s girl kasi ako kaya talagang apektado ako

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending