MUKHANG sa kabila ng karamdamang iniinda ay hindi papaawat ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis sa pagkakaroon ng crush kay Ukraine President Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy.
Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa presidente at walang makakapigil sa kanya.
Saad ni Lolit, “Basta pupunta na ako sa Ukraine Salve. Kailangan na talaga mag selfie kami ni Zelensky.”
Para sa kanya, napakalakas raw talaga ng dating ng Ukraine president.
“Tuwing nanunuod ako ng news at nakikita ko si Zelensky para bang siya na talaga ang ultimate sa pagiging macho ha. At naka shirt lang siya, very informal pero lakas ng dating,” pagpapatuloy pa ni Lolit.
Aniya ang presence at ang awra raw ni President Volodymyr Oleksandrovych Zelenskyy ang dahilan ng pagiging “superstar” nito.
Baka Bet Mo: Lolit Solis sa naghahanap kay Angel Locsin: Ang tagal na niya sa limelight, ngayon ang panahon para sa sarili niya
“Iyon lakas ng aura niya na para bang alam mo agad na commanding at very responsible ang dating. With conviction, meron leadership. Bongga talaga,” sey pa ni Lolit.
Hirit pa niya, “Hitsura ng isang action star. Hay naku, in love talaga ako Salve at Gorgy. Baka nuon past life ko isang Ukranian woman ako at Papa ko si Zelensky. What do you feel ? Bongga di ba.”
Related Chika:
Lolit Solis tinalakan si Liza: Gumising ka sa katotohanan ng buhay!