Bakasyon nina James Reid at Issa Pressman sa Palawan umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens, damay na naman si Nadine

HATI ang reaksyon ng netizens sa relasyong James Reid at Issa Pressman na nakitang magkasama kahapon, Easter Sunday sa Elsas’ Beach Resort Port Baton, Palawan.

May mga nagkagusto at meron ding hindi lalo’t alam naman daw ang back story na noon pa ay type na ni Issa si James kahit sila pa ng ex-girlfriend niyang si Nadine Lustre.

Anyway, kaagad nag-viral ang mga larawang kuha ng netizens kina James at Issa na hindi sila aware na nakunan sila dahil tila nagdidiskusyon ang dalawa sa isusuot nilang damit na nagkapareho pa.

Nabasa namin ang mga komento ng netizens sa isang website.

Sabi ni @Liezl Malarasta, “Hot couple yarn? Sang banda HAHAHAHA.”

Reaksyon naman ni @Princess Villareal, “The design is very Nadine and CB (boyfriend ng aktres ngayon). Asan pati hot couple jan?”

Ito rin ang obserbasyon ni @Keankean Castillo, “The design is very burikat.”

Baka Bet Mo: Cristy Fermin hanga sa pangdededma ni Nadine sa ‘dyowa reveal’ nina James at Issa: ‘Yan ang dapat gawin, huwag magpaapekto!

Komento ni @Imie Alejo Llabres, “The design is very snakey.”

Ganito rin ang sabi ni @Eden Pecsion, “The design is very jungle. Tarzan is there with the snake.”

Ani @An Merry, “The design is very Paolo Contis…Palawan gala as a friend.”

Gayun din si @Nihaya Bin’t Zakariya, “The design is very eeeewwww.”

Opinyon naman ni @Mau Tanio, “Walang spark ganyan pag galing sa agaw.”

Say din ni @Regine, “The design is very AHAS!”

Mula kay @Amirah Alqahtani, “The design is very makapal.”

Umayaw na si @Clara Del Barrio, “The design is very ayoko sa kanila.”

Panininawala ni @Cecil Katon Abiog ay bigyan ng chance ang pagmamahalan nina James at Issa, “Namalimos q s inyo d nyo aq binigyan ah.”

Hindi pa rin maka-move on si @Rona Dolero, “The design is very trying hard to be Nadine.”

Kakaiba si @Rhiytshellah Richeella, “The design is very sa umpisa lang masaya.”

Naniniwala si @Ithaf Onallimes na marami pa ring bitter sa paghihiwalay ng JaDine, “Ang daming bitter na Ng cocoment pakialm ba nila sa inyu buhay nila yan mas kayu pa Ang bitter kaysa Kay Nadine si Nadine happy na xia bf nya pero kayu hindi. Wala nmn kayu ambag Jan.”

Marami pa kaming nabasang halos iisa rin ang sinasabi na hindi nila gusto ang dalawa at isa lang yata ang nagsabing hayaan na sina James at Issa dahil si Nadine ay masaya na ngayon sa buhay niya at sa karera niya.

Bukas ang BANDERA sa panig nina James at Issa na kinukuyog ngayon ng netizens.

Related Chika: 

James Reid kinumpirma ang relasyon kay Issa Pressman, isyu ng ‘pang-aagaw’ noon dinenay

Read more...