James Reid kinumpirma ang relasyon kay Issa Pressman, isyu ng 'pang-aagaw' noon dinenay | Bandera

James Reid kinumpirma ang relasyon kay Issa Pressman, isyu ng ‘pang-aagaw’ noon dinenay

Therese Arceo |March 18,2023
facebook
share this

James Reid kinumpirma ang relasyon kay Issa Pressman, isyu ng ‘pang-aagaw’ noon dinenay

Therese Arceo - March 18, 2023 - 07:00 AM

James Reid na nakasuot ng itim at pantalon habang ka-holdong hands si Issa Pressman

TILA kinumpirma na ng singer-actor na si James Reid ang relasyon nila ni Issa Pressman sa isang statement na kanyang inilabas nitong Biyesnes ng gabi, March 17.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram story at post sa Twitter, tuluyan nang binasag ng binata ang kanyang katahimikan laban sa mga pambabatikos na natatanggap nila sa social media matapos ang pag-upload ni Issa ng larawan kung saan makikitang magka-holding hands sila.

Marami kasi sa mga fans ng JaDine ang gigil na gigil kay James at Issa dahil tila may katotohanan raw ang isyu noong 2020 na may kinalaman ang nakababatang kapatid ni Yassi sa paghihiwalay nila ng dating on-screen partner at ex-girlfriend na si Nadine Lustre.

Agad namang nilinaw ng aktor sa kanyang pahayag na walang katotohanan ang mga paratang na ibinabato ng madlang pipol kay Issa mula pa noon na isa itong “ahas”, “mang-aagaw”, at “third party”.

“I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors,” panimula ni James.

Aniya, ayaw sana niyang magsalita o i-address ang kasalukuyang isyu ngunit kinakailangan raw niya itong gawin.

Pagpapatuloy ni James, “I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me.”

“To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [white heart emoji],” dagdag pa niya.

 

Ngunit sa halip na mapayapa itong tanggapin ng mga netizens at tagasuporta nila ni Nadine ay tila mas lalo pang kumulo ang dugo ng mga ito.

Baka Bet Mo: ‘Kissing video’ ni James sa kapwa lalaki viral na, mga kaibigan umalma sa balitang ‘magdyowa’: Fake news yarn!
“Kwento mo yan eh happiest ka diyan,” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Tama ka na James Reid letter ‘J’ na nga lang ang ambag mo sa Jadine.”

“Let’s see kung may fans ka pa, napaka problematic mo. Ghad this behavior parang di lang nag-iisip na may artists pa syang dinadala under his company mygad,” nanggagalaiting sey naman ng isang fan.

Banat pa ng isa, “Grabe yung dissapoinment as a fan from JADINE to James and Nadine. Kasi buong akala ko they broke up for them to grow separately. Akala ko mutual decision. Wag mo sabihing ‘the past rumors about Issa are just that, rumors’. Kasi HINDI.”

“JaDine fan since ‘alam niya ba’ music video shoot. Pero ngayon sobra akong disappointed sayo. skl naman irrelevant naman feelings ko haha sino ba naman ako di ba. pero yun nga praying na u truly find the real happiness sa napili mong path. but for now bye na, signing off na ko.”

Makikita rin sa mga tweet replies ang video clip kung saan sinabi ni James na ang kanyang kantang “Always Been You” ay tungkol kay Nadine na may mga lyrics na:

“You and me, so easy. Got so used to being stuck in between. Honestly, I caught feelings out of the blue. How’d you sneak up on me? Lost then found I’m finally seeing straight (Okay). I’m coming round n hoping it’s not too late (Late) Ooh cause… Oh babe, missing what I never had. It’s always been you. When everybody gets in the mood, I always end up dancing with you. Oh babe, wasted time I want it back. I’d spend it with you. Can’t hide it when I know that it’s true ’cause I know it’s always been you.”

Matatandaang noong January 20, 2020 nang aminin nina Nadine at James na tuluyan na silang naghiwalay matapos ang halos apat na taong pagiging magkarelasyon sa joint statement na inilabas sa “Tonight With Boy Abunda”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Related Chika:
Nadine Lustre inspirasyon sa bagong kanta ni James Reid

Reunion movie nina James Reid at Nadine Lustre imposibleng mangyari ngayong 2022

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending