James Reid nalagasan ng followers after mag-soft launch, Nancy McDonnie nag-unfollow rin? | Bandera

James Reid nalagasan ng followers after mag-soft launch, Nancy McDonnie nag-unfollow rin?

Therese Arceo |March 18,2023
facebook
share this

James Reid nalagasan ng followers after mag-soft launch, Nancy McDonnie nag-unfollow rin?

Therese Arceo - March 18, 2023 - 04:40 PM

James Reid nalagasan ng followers after mag-soft launch, Nancy McDonie nag-unfollow rin?
MATAPOS ang isang araw buhat nang mag-soft launch ng kanilang relasyon sina James Reid at Issa Pressman ay agad na nabawasan ang followers ng aktor.

Kapansin-pansin ang unti-unting pagkalagas ng mga followers niya at ang pagdami naman ng kanyang bashers at haters hindi lang sa comment section ng kanyang post kundi maging sa Twitter.

Tila pinatunayan raw kasi ni James ang mga akusasyon noon sa kanila ni Issa na naging dahilan para maghiwalay sila ni Nadine.

“Wtf James Reid?! I defended you. Welp, time to unfollow him on all my socials and remove his songs from my spotify playlist,” sey ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “THE AMOUNT OF BETRAYAL THESE PHOTOS HAVE! NADINE LUSTRE BETTER UNFOLLOW JAMES AND ISSA. SHE DON’T DESERVE THIS. SHE DON’T DESERVE BEING USED AND GAS-LIGHTED.”

“unfollow James Reid, Issa pressman, CARELESS… all social media platforms na connected sakanila. We are being warned sa mga issues nila ngayon. it shows na sobrang dirty and toxic ng circle nila. maybe rn dinidivert nila ung issue ni Liza kila ahas at cheater,” hirit naman ng isa.

At hindi naman papahuli ang mga marites sa pag-usisa dahil kasabay ng pagkalagas ng kanyang followers ay ang tila pag-unfollow rin ni Nancy McDonie, isa sa mga member ng disbanded K-pop group na Momoland.

Hindi naman sigurado kung nangyari ang pag-unfollow matapos ang “soft launch” ni James pero makikitang pina-follow pa rin siya ng aktor.

Sey ng mga fans ng JaDine, mas matatanggap pa raw nila kung ang naging girlfriend ng aktor ay si Nancy kesa kay Issa na kaibigan at kapatid ng kanyang best friend na si Yassi Pressman.

Baka Bet Mo: James Reid spotted kasama si Nancy McDonie, may something nga ba?

Matatandaang marami sa mga netizens ang naghinala na maaaring si Nancy ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa matapos silang magtambal para sa Kapamilya series na “Soulmate Project” noong October 2019 ngunit sa kasamaang palad ay hindi na ito natuloy.

Unti-unti na ring natanggap ng netizens na maaaring may “something” sa pagitan nina James at Nancy lalo na’t may masaya na si Nadine sa kanyang natagpuang bagong pag-ibig.

Noong nakaraang March 2022 lang nang spotted na makitang magkasama ang dalawa sa Los Angeles kaya nga mas tumindi ang hinala ng mga netizens na may namamagitan sa kanila.

Kaya nga laking gulat ng iba nang ibandera ni James ang relasyon nila ni Issa dahil buong pag-aakala nila ay nagkakamabutihan na sila ng South Korean star.

Anyways, naglabas na rin naman ang singer-actor ng statement hinggil sa kanila ni Issa.

Lahad ni James, “I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors.

“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me.”

“To my fans, all you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been [white heart emoji].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
James Reid, Issa Pressman may pa-‘soft launch’ nga ba ng relasyon, banat ng netizens: ‘Time is the ultimate truth teller talaga!’

Nadine Lustre mas hinangaan ng madlang pipol matapos ang pa-‘soft launch’ nina James at Issa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending