Enchong tinanggap ang role na transwoman, may gustong patunayan: ‘Nu’ng mabasa ko ang script sabi ko ito na ‘yung material na hinahanap ko’
MARAMI ang nagsasabing malakas ang laban ng Kapamilya actor na si Enchong Dee na manalong best actor sa 1st Summer Metro Manila Film Festival na nagsimula na kahapon, April 8.
Puring-puri ng mga nakapanood na ng pelikulang “Here Comes The Groom” si Enchong na gumaganap ngang “transwoman” na siyang naka-swap (sanib) ng pagkatao ni Kaladkaren Davila sa kuwento.
At dahil sa napaka-effective na performance ng aktor sa pelikula kung saan first time niyang gumanap na transgender woman, sinasabing hindi imposibleng maiuwi ni Enchong ang best actor awards.
View this post on Instagram
Sa “Inside News” ng Star Magic, natanong ang binata kung bakit tinanggap niya ang “Here Comes The Groom” at napapayag siyang gumanap na transwoman.
“Kailangan nating gumawa ng pelikula na mae-encourage ang mga tao na bumalik sa mga sinehan. Para magawa natin ‘yon, kailangan natin na gumawa ng masaya, ng may puso, at may kabuluhan na pelikula.
“Nu’ng nabasa ko ‘yung script sabi ko, ‘Ah ito na ‘yung material na hinahanap ko.’ Ang saya-saya ko lang na ang ganda ng kinalabasan. So sana, malaman niyo ang sinasabi ko by watching the film,” paliwanag pa niya.
Baka Bet Mo: Enchong Dee lumipad pa-Davao para sa hearing ng kanyang P1 billion cyber libel case
Sabi pa ni Enchong, malaking factor ang naging big issue sa kanya noong 2022 sa pagtanggap niya sa nasabing project na siguradong magiging surprise sa kanyang mga supporters, “and enable them to appreciate me as an actor and not just someone who is merely trying to hold on to my past reputation.”
Last year, sinampahan ng cyber libel case si Enchong ni Partylist Rep. Claudine Bautista-Lim dahil sa tweet nito tungkol sa ginastos umano ng kongresista sa kanyang controversial wedding na ginanap sa Balesin island.
View this post on Instagram
Kasunod nito, nag-sorry si Enchong sa kanyang sinabi at umaming naging “reckless” siya sa ipinost na mensahe patungkol sa wedding ni Rep. Bautista.
Kaya naman ayon kay Enchong sa pagtanggap sa mga kakaibang proyekto, “I want to show something new to them, something that will enable them to appreciate my craft.
“With what happened in the past, I just want to look forward. Whatever will happen in the future, I know that I’m in full control. I will not let this experience ruin my future,” ani Enchong sa presscon ng kanilang 1st Summer MMFF.
Nang tanungin kung ano ang tinutukoy niyang issue noon sa kanya, “I’m pretty sure that you all know what happened to me in the past.”
Kasama rin sa “Here Comes The Groom” sina Miles Ocampo, Maris Racal, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Tony Labrusca, Awra Briguela at Iyah Mina, mula sa direksyon ni Chris Martinez.
Enchong Dee lumipad pa-Davao para sa hearing ng kanyang P1 billion cyber libel case
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.