HINDI mapigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang matawa sa isang screenshot patungkol sa pagbubuntis ng aktres na si Kris Bernal.
Sa Twitter kasi ay ibinahagi ng isang page ang screenshot ng post ng isang entertainment site na 18 months na raw ang dinadala ni Kris Bernal.
Ito nga ang dahilan kung bakit tila laughtrip si Vice at ni-retweet pa ang naturang screenshot.
“Nasa 18 month of pregnancy na si Kris Bernal sabi ng PEP, ano ba akala nilang iluluwal ni atih mong Kris? Dinosaur? Sana kunin akong ninang, mabait akong T-Rex,” tweet ng netizen na may username na @ChakapusoPH
Ni-retweet naman ito ni Vice Ganda sabay hirit ng, “Waaaaahhhh! Hayufff!!! Tawang tawa ko! Varda!”
Mukha namang nagkamali lang sa caption ang naturang entertainment site dahil imbes na “18th week” ay “18th month” ang nasulat nito.
Baka Bet Mo: Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts
“Kris Bernal, now in her 18th month of pregnancy, admitted it’s been tough getting used to her body going through a lot of changes,” ayon sa caption ng PEP.ph.
Maski ang iba pang followers ni Vice Ganda ay natawa sa ibinahagi niya.
“Hahahah 18th month of pregnancy…omg d ba siya nababahala kung ano laman tyan niya,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “HAHAHAHAHAHAHAHA CHANGGALA UMABOT KAY MEME VICE.”
“Naglalaro na yung bata sa tiyan niya Meme,” sey naman ng isa.
Napalitan na raw naman ng showbiz news site ang kanilang caption matapos itong mag-viral at mapansin ni Vice.
Anyways, based sa latest IG update ni Kris ay 5 months na ang kanyang pinagbubuntis at kahit na ganoon ay aktibo pa rin ito sa kanyang mga workouts.
Related Chika:
Vice Ganda gagastos ng P9-M para magkaroon ng sariling baby sa pamamagitan ng surrogacy
Vice Ganda in-unfollow sa socmed ng BFF, si Toni Gonzaga ba ito o si Karla Estrada?